Palasyo natuwa sa pahayag ni Kris na tama lamang na si Du30 ang nanalo | Bandera

Palasyo natuwa sa pahayag ni Kris na tama lamang na si Du30 ang nanalo

- April 23, 2018 - 04:37 PM

IKINATUWA ng Palasyo ang naging pahayag ni Kris Aquino na tama lamang na si Pangulong Duterte ang nanalo at hindi si dating senador Mar Roxas matapos namang sumiklab ang iringan sa pagitan ng bunsong kapatid ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ni Korina Sanchez.

“Welcome on board Kris Aquino,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing bilang tugon sa naging pahayag ni Kris.

Pumutok ang alitan sa pagitan ni Kris at ng misis ni Roxas matapos namang kapanayamin ni Korina sa kanyang programang Rated K ang dating mister na si James Yap at bagong kinakasama kaugnay naman ng kanilang pagkakaroon ng anak.

Sa kanyang post sa social media,  binatikos ni Kris ang ginawang panayam ni Korina sa kanyang dating mister.

“Well, ang nabasa ko sa statement niya, ngayon lang, a few minutes… was, walang masamang pinakita si Presidente Duterte sa kanya at sa kanyang pamilya ano, noong nangangampanya siya para sa kanyang kapatid sa Davao,” dagdag ni Roque.

Matatandaang si Roxas ang inendorso ni Aquino bilang kandidato sa pagkapangulo noong 2016.

“At alam mo, iyon din ang sinabi sa akin ni Presidente ha. Kasi si Presidente noong ’86 revolution, nag-suporta kay Cory. At lahat ng kampanya ng pamilyang Aquino suportado ni Presidente Duterte sa Davao… and the mother of course ‘no of the President,” ayon pa kay Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending