PINABABA ang may 300 pasahero ng Metro Rail Transit 3 matapos na magkaroon ng electrical failure ang makina ng tren nito.
Ayon sa advisory ng MRT3, nasira ang tren alas-4:19 ng hapon.
Pinababa ang mga pasahero sa north bound ng Quezon Avenue station. Nakasakay naman sila sa sumunod ng tren na dumating makalipas ang anim na minuto.
Isa sa sanhi ng electrical failure ang kalumaan ng mga piyesa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending