Exempted sa kahihiyan | Bandera

Exempted sa kahihiyan

Lito Bautista - April 20, 2018 - 12:10 AM

ANG masasama sana ang mapahiya at manahimik sa libingan. Iyan ang Pagninilay sa Salmo sa Ebanghelyo (Gawa 7:51, 8:1; Slm 31:3-4, 6-8, 17, 21) sa Martes sa ikatlong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Di na kailangang ilitanya kung bakit dapat mapahiya ang masasama. Mapapahiya’t mapapahiya ang masasama, pero ang aral ay kailangang tumimo kung paano sila napahiya. Tulad ng sunud-sunod na kahihiyan nina D5, Noy, at marami pang iba, matingkad ang aral na huwag maging masama, dahil pinagbabayaran ito.

Sa Senado, nakalaan na ang kahihiyan ng mga walang hiya na magliligtas kay Sereno gayung inilaglag nila si Corona. Sa NFA, kahihiyan ang sinapit ng “mauutak” nang mabuyangyang na wala na palang bigas. Sa droga, marami pa raw sa barangay gayung ayaw namang ihayag ang narco-chairmen (napahiya na si Digong kay Amado Espino, na unang idinawit sa droga). Patuloy na ginagawang tabak ni Damocles at panakot (blackmail?) ang drug list ng Malacanang.

Exempted ba si Sereno sa kahihiyan gayung nagkalat na siya sa oral argument (patutsadahan daw sa Tagalog)? Exempted ba si D5 gayung sunud-sunod na semplang ang kanyang petisyon sa SC para makalaya at pabulaanan ang mga akusasyon? Exempted ba si Bello sa kanyang mga kapalpakan sa endo at OFW na kailangang pangunahan na ni Digong ang aksyon at sunud-sunuran na lang siya?

Noong 1993, tinulungan ni Pompeyo Navarro (+), Bandera actionman/public service columnist, ang isang OCW na umano’y minaltrato ng employer sa Kuwait. Labag sa batas ng tao’t Diyos ang pagmamaltrato. Pero, paanong nakalusot sa agency ang Grade 2 lang ang natapos, 10% lang ng Ingles ang alam at halos hindi makapagsulat? Sa kawalan ng komunikasyon, mag-iinit nga ang ulo ng employer at apat na extended families sa DH.

Sa 2019, huwag kina Grace, Cynthia, Nancy, Pia (bb), Gina, JV, Jinggoy. Makinig kina Imee, Geraldine, Francis Tolentino at Karlo Nograles. Ang susunod na Senado ay para sa may mabitaminang laman sa pagitan ng dalawang tenga nang makaahon naman ang mahihirap. Sa Ilocos Norte, walang mahirap dahil ibinawal ang tamad. Dahil walang batugan na Marcos.

Nag-alay ng pasasalamat at Misa si Justice Secretary Menardo Guevarra, at pamilya, sa National Shrine of the Divine Mercy sa healing Mass noong Abril 14. Medyo di siya gaanong kilala sa Divine, di tulad ni CJ Hilario Davide. Pero, gayunpaman, ang pasasalamat sa biyaya ng Diyos ay kailangang gawin ng mga hinirang ni Digong.

UST (Usaping Senior sa Talakayan): Ibinaba ng doktor ang taning sa buhay ng 65-anyos na lolo noong Biyernes 13. Kinabukasan, bumalik siya sa healing Mass sa Divine Mercy, 10:30 n.u. Halos buong gabi ay umiyak siya sa harap ng tarpolina ng Divine Mercy sa altar sa kanyang bahay, hanggang sa naubos ang luha pagsapit ng alas-3 n.u. Gumuhit ang ngiti sa labi ng kalungkutan. Tinanggap niya ang napipintong kamatayan, na sinabi ng doktor (tao). Oo nga naman, alam ng Divine Mercy (Diyos) na sa mahigit dalawang taon ng diabetis, naging madasalin siya, nagsisi, dahil bisyo niya ang sanhi ng diabetis. “Ang aking pananaw ay nag-iba. Tanggapin ang kamatayan na ako rin ang nag-umpisa,” ani lolo.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Pob. Guiguinto, Bulacan): Maraming Santo Nino sa mga bahay dito. Pero, bakit karamihan ay hikahos pa rin. Anila, nagsasayaw sila at isinasayaw ang imahen. Pero, hindi selebrasyon, gamit ang imahen ng batang Jesus, ang buong buhay. Ang pagdiriwang ay sa kapistahan at ang 364 araw ay para sa dasal at gawa.

PANALANGIN: Panginoon, huwag nawa akong mpahiya pagkat sa Iyo ako tumatawag. Salmo 31.

MULA sa bayan (0916-5401958): Alam na ang mananalo sa barangay dito sa Banadero, Ozamiz. At di yan batang Digong. …9032

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending