Freddie Aguilar tatakbo sa pagkasenador | Bandera

Freddie Aguilar tatakbo sa pagkasenador

- April 19, 2018 - 01:36 PM

Tatakbo ang singer na si Freddie Aguilar sa pagkasenador.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Aguilar na ilang kaibigan ang kumumbinsi sa kanya para tumakbo sa pagkasenador.

Sinabi ni Aguilar na nahirapan na siyang tumanggi sa mga nagtutulak sa kanya.

Hindi pa umano niya nakakausap si Pangulong Duterte kaugnay ng kanyang plano.

Sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na kasama si Aguilar sa pagpipilian.

Si Aguilar ay miyembro ng PDP-Laban, ang partido ng Pangulo.

Ayon kay Pimentel aayusin kung sino ang magiging opisyal na kandidato ng administrasyon sa Agosto o Setyembre.

Sa Oktobre na ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2019 mid term election.

Dagdag pa ni Pimentel mahigit sa 20 na ang nasa listahan ng pagpipilian nila para sa senatorial slate.

Nauna ng lumabas ang pangalan nina Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson, at presidential spokesman Harry Roque.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending