6 patay, 17 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental | Bandera

6 patay, 17 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental

- April 18, 2018 - 06:35 PM

ANIM ang patay, kabilang ang limang bata at isang babae, samantalang sugatan ang 17 iba pa matapos tamaan ng kidlat sa Sitio Baras-Barasan, Barangay Manlocahoc, Sipalay City, Negros Occidental.

Tinamaan ang biktima ng kidlat ganap na ala-1:30 ng hapon habang sakay ng isang trak na kanilang pinagsilungan dahil sa malakas na pag-ulan, sabi ni Chief Inspector Nasser Canja, Sipalay police officer-in-charge.

Dead on the spot sina Mary Tejoc, 35; Mariel Montecino, 12; at Charlene, 12; Mae Ann, 9, Ardemiel, 10 at Rose, 5, na pawang Seminion ang apelyido.
Idinagdag ni Canja na dinala ang 17 sugatan sa iba’t ibang ospital sa Kabankalan City at Bacolod City at ginagamot sa mga tinamong sunog at sugat.
Ani Canja, mga manggagawa sa tubuhan ang mga may edad na biktima, samantalang tumutulong naman ang mga batang biktima sa kanilang mga magulang.
Nagbigay na ng tulong ang lokal na pamahalan ng Sipalay, ayon kay Canja.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending