Caroling sa kalye: bakit di mahinto? | Bandera

Caroling sa kalye: bakit di mahinto?

|December 17,2009
facebook
share this

Caroling sa kalye: bakit di mahinto?

- December 17, 2009 - 03:25 PM

ILANG mga  batas at ordinansa na ang ipinasa ng mga lungsod sa Metro Manila na bawal magbigay sa mga nangangaroling sa kalye, pero mas lalong dumami ang mga nangangaroling.  Di lamang sa mga pribadong sasakyan, umaakyat na rin sila sa mga bus at pampasaherong jeepney at “namamasko.”  Noong 2008 ay sinubukang manghuli ng mga pulis-QC at kawani ng DSWD ng mga nangangaroling sa kalye, sa Balintawak, pero, tulad ng nangyari, hanggang subok lang.
Tradisyon nga ang caroling sa kapaskuhan, pero hangga’t sa kalye ba ay meron pa rin nito?  Di dapat.  Kaya nga may mga batas na binalangkas na.
Pero, meron pa ring nangangaroling at di alintana ang peligro na nakatanghod anumang saglit.
Paano ba matitigil ito?  May paraan ka ba?
May mga nagsabi na kailangang ipatupad ang batas.  Pero, wala naman daw nagpapatupad ng batas.  Wala raw ngipin ang batas, pero hindi naman nilalagyan ng “ngipin.”
May mga pangyayari na rin, lalo na sa Maynila, na kunwari’y nangangaroling sa kalye, lalo na sa gabi, pero nanghoholdap at nanghahablot pala.  Ipinapain ang mga musmos, pero naghihintay lang pala ng tiyempo ang nakasunod na matatanda.
Kailangang matigil na ito.  Bahaginan mo naman kami ng iyong nalalaman para matigil na ito at maging ligtas ang mga lansangan para sa lahat.

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 121709

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending