Kilalang aktres sinasamba ang dyowang hunk actor; matinding rumesbak pag inatake ng selos | Bandera

Kilalang aktres sinasamba ang dyowang hunk actor; matinding rumesbak pag inatake ng selos

Cristy Fermin - April 18, 2018 - 12:15 AM


KUNG pagiging selosa ang pag-uusapan ay walang kahit sinong makakakabog sa isang magandang aktres.

Kailangan pa ba ng mga patunay kung bakit? Ilang babaeng personalidad na ba ang kanyang inaway dahil sa sobrang selos sa mga babaeng sa pakiramdam niya ay may gusto sa kanyang karelasyong aktor?

Namamatay-nabubuhay ang mga kuwento. Walang makalilimot sa pangongompronta niya sa magagandang babaeng kinaiinsekyuran niya. Sa ganda niyang ‘yun ay may lugar pa rin talaga sa kanyang isip at puso ang sobra-sobrang pagseselos.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, e, kinausap na siya nang masinsinan ng isang close friend niya. Pumutok kasi ang balitang ikinulong niya sa CR ang isang magandang young actress.

“So, akala naman ng taong ‘yun, e, makikinig sa kanya ang girl, pinangaralan niya ang magandang aktres, sinabihan na hindi makagaganda sa image niya ang pagiging butangera.

“Alam n’yo kung ano ang nangyari? Hindi na niya kinibo pa ang taong nagpaliwanag sa kanya na hindi makagaganda sa career niya ang pagiging sobrang selosa.

“Hanggang sa one day, nalaman na lang ng mga friends niya na talagang tinikis na niya ang becki, hindi na kinikibo, inalis na niya sa buhay niya ang taong concerned naman sa kanya.

“Ito ang pinakamatindi. Vibes pa rin ang becki at ang karelasyon niya. Galit na galit siya, inaway niya ang guwapong male personality, bakit daw mas kinakampihan pa ng boyfriend niya ang becking nagmamarunong na itinapon na niya?

“Ganu’n ka-close ang utak niya, wala siyang pinakikinggang kahit sino kapag umaandar na ang pagiging insecure niya. Aawayin talaga niya ang buong mundo nang dahil sa lalaking halos sambahin na niya!” kuwento ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may iba pa ba? Naman! Aaaaawwww!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending