ISANG buntis ang tumalon sa ika-apat na palapag ng isang mall sa Quezon City ngayong tanghali.
Dead on arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na sadyang hindi pinangalanan ng Bandera.
Ayon sa ulat na natanggap ni Quezon City Police District Director Guillermo Eleazar, tumalon ang biktima at bumagsak sa ground floor alas-12:12 ng hapon.
Agad na dinala ang biktima sa ospital subalit idineklara itong patay na ni Dr. Cecilia Hulguin.
“The motive behind the incident was not yet determined pending the outcome of the ongoing investigation,” saad ng ulat na natanggap ni Eleazar.
May mga ulat na nagsasabi na bumili ng monobloc chair ang biktima sa isang hardware sa loob ng mall.
Dinala niya ito sa ikaapat na palapag at ginamit na tungtungan upang malagpasan ang barrier.
Nauna rito, isang kustomer ang sinaksak at napatay ng isang repairman sa isa sa mga tindahan sa nasabing mall may dalawang linggo na ang nakararaan. Bumili umano ng kutsilyo sa isang tindahan sa mall ang suspek at binalikan ang biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.