Teacher Georcelle pinangalanan kung sino ang tunay na hari’t reyna ng dance floor
IN fairness, na-enjoy namin nang bonggang-bongga ang 30-minute free dance tutorial/session na ibinigay ng G-Force Dance Center sa ilang members ng entertainment press last Sunday.
Siyempre, ito’y pinangunahan ng dance guru and celebrity choreographer na si Teacher Georcelle Dapat-Sy kasama ang mga pambatong miyembro ng world-class performers and teachers ng G-Force.
Ang sarap-sarap pala sa pakiramdam na kasama mo sa pagsasayaw ang G-Force habang tinuturuan ka ni Teacher Georcelle. Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit parami nang parami ang mga estudyante nila sa G-Force Dance Center. Sa katunayan, last Sunday, isa kami sa maswerteng naimbita sa soft opening ng kanilang second branch sa Festival Mall Alabang.
Yes, isa kami sa mga nabigyan ng pagkakataon na makahataw sa bagung-bago G-Force Dance Center. Dito detalyadong ipinaliwanag ni Teacher Georcelle kung paano nila ginagawa ang isang dance session para sa kanilang mga clients, na mula edad 3 pataas.
“Nag-open tayo last April 7 ng G-Force Dance Center-Alabang because there’s really a demand from the people from the South. It’s really challenging for them to come to Quezon City.
“For how many years ang daming nagre-request sa amin, they’ve been sending e-mails, ‘Mag-open naman kayo sa South.’ And the minute we announced, grabe ang response ng mga tao.
“It is also a sign of growth for G-Force. Every year naghahanap kami ng isang magsi-symbolize, ano ang improvement for this year? Ano ang bago sa atin? Paano natin masasabi na may growth tayo? The Alabang branch is one Humbaaam sign na boom, may growth, we are expanding.
“Ang pride namin dito sa G-Force, home-grown choreographers, that’s our pride and exclusivity because they don’t teach in other schools or studios. Kung sino ang nagtuturo kina Maja, James Reid, Nadine Lustre, Sarah Geronimo, those are the people, the choreographers who will train them. Yan ang mae-experience ng mga estudyante. This is an experience of a lifetime,” pahayag pa ni Teacher G during the mediacon.
For inquiries, you may call or text 0917-8GFORCE (436723) or call 02-7096077. You may also download theirmobileapp (G-FORCEDANCECENTER) and check all the information there. You may also follow them onFacebook, Twitter and Instagram (@gforce_officialand@gforcedancenter).
q q q
Samantala, bilang siya ang nasa likod ng mga buwis-buhay na production mumber sa Sunday musical show na ASAP, natanong si Teacher Georcelle kung sino sa tingin niya ang talagang dapat na tawaging Dancing Queen – si Maja Salvador o si Yassi Pressman?
“Kapag nakita niyo silang dalawa, parehong magaling, pero alam niyo na magkaiba ang istilo. Pareho silang queen, pero magkaibang state! Ha-hahaha!” sagot ng celebrity choreographer.
Pero dugtong niya, kung ang henerasyon ngayon ang pag-uusapan, “It’s still Maja and then now ini-introduce na natin si Yassi and it’s nice to see them together na magkaiba.”
“Di ba si Maja na morena, sa pagtayo pa lang humbaam na! When Maja started, it’s also different (from the other Dancing Queen like Vina Morales and Dayanara Torres). Makikita niyo talaga yung growth niya,” aniya pa.
Si Enrique Gil naman ang King of Dance Floor para kay Teacher G, “Yes, si Quen, iba rin kasi ang batang ‘yun. Kaso hindi na siya masyadong active ngayon dahil sa Bagani. After him, nandiyan si James Reid, his style is different. Nakikita mo yung details ng sayaw and we loved it kasi nakikita mo talaga yun choreography.”
Anyway, ang isa pa sa pinaghahandaan ng G-Force Dance Center ay ang kanilang annual Summer Dance Workshop na nasa ika-11 taon na ngayong 2018. Abangan ang 3-night concert series ng mga GF Dance Center graduates sa June 8, 12 and 16 sa The Theater Solaire.
With their vision to further strengthen their brand and to reach more dance enthusiasts, they will be holding in April, May and June, 2018 their annual summer dance workshop across the country, from Quezon City, Taguig, Alabang, Lunena to the provinces of Southern Leyte, Cebu, Pangasinan and Isabela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.