Donita Nose, Super Tekla never niloko si Willie | Bandera

Donita Nose, Super Tekla never niloko si Willie

Julie Bonifacio - April 15, 2018 - 12:30 AM

DONITA NOSE AT SUPER TEKLA

TEARY-EYED ang komedyanteng si Donita Nose habang nagpapaliwanag sa pagkakatanggal niya sa Wowowin bilang co-host ni Willie Revillame. “Reformat” ang ibinigay na rason kay Donita kaya siya inalis sa show.

Noong sabihan siya na tsugi na siya sa show, ‘di na nagtanong si Donita. Ganu’n naman daw talaga si Willie kapag nagdesisyon kahit pa sa staff na gusto niyang alisin sa show, wala nang tanung-tanong pa na nagaganap.

“Once nag-decide siya, wala na kaming tanong. Kasi show niya ‘yun. Alam niya kung ano ang ikagaganda ng show niya. Alam niya ang dapat niyang gawin. So, kung anuman ang desisyon niya, talagang sinusunod namin,” lahad ni Donita.

Nakausap ng media si Donita sa ginanap na conference para sa nalalapit na konsyertong “Oh, Boy! Oh, LOL” produced by CCP Productions and directed by Marvin Caldito sa Music Museum on May 28, 2018.
Hindi ba siya nakiusap kay Willie na mag-stay pa rin sa show? “Hindi, actually, ‘di ako dumating sa point na ‘yun. Pero pag-alis ko, nag-thank you ako. ‘Kuya, salamat pa rin po sa lahat.”
Itinanggi naman ni Donita ang isyung tumatanggap daw siya at dating kasama sa show na si Super Tekla ng karaketan sa labas at ‘di raw nila priority ang Wowowin.

“Hindi naman sa ‘di napa-prioritize. It’s just that parang kailangan din namin talagang magtrabaho na parang, alam mo ‘yun? Alam naman natin na kapag rumaket ka, talagang iba rin ‘yun. Iba rin ‘yung mainstay na araw-araw na trabaho sa kanya. Nagpapaalam kami sa kanya.”

Dagdag pa niya, “At saka hindi kami tumatanggap definitely ng mga show na may taping. Tinatanong namin kapag may kumukuha sa amin, ‘Ano’ng araw po ‘yan? Ay, naku hindi po kami pwede kasi taping po namin.’ Maraming bagay na kinu-consider pero hindi naman po totoo ‘yun.”

May isyu ring lumabas na may attitude problem na raw sila ni Tekla, “Sa attitude wala rin kasi parang, kilala ko si Kuya. Kapag hindi niya gusto ang ugali mo, agad-agad ‘yun (tanggal). Hindi ka magtatagal sa kanya. E, naka-dalawang taon din ako sa kanya. Sobrang proud ako kasi maraming dumaan sa kanya na mga bading na binigyan niya ng break, pero feeling ko ako ‘yung pinakamatagal.”

Sa kabila nang pagkakatanggal sa kanya sa show, thankful pa rin si Donita kay Willie. Sobrang dami raw kasi ng tulong sa kanya ni Willie at nagawa sa kanya ng Wowowin.

“Nakapagpatayo ng bahay? Ay, hindi pa naman po umabot doon. Actually, kasi ang dami ko ring tinutulungan. Ako ang breadwinner sa amin. So, talagang mahirap mag-ipon.”

Samantala, excited na si Donita para sa “Oh Boy! Oh, LOL!” concert niya kasama si Super Tekla and of course, ang apat na gwapong Kapuso stars na sina Rocco Nacino, Derrick Monasterio, Jak Roberto and Dave Bornea na lalong magpapainit ng summer ninyo.

May “big surprise” raw sila ni Tekla kasama ang apat na handsome and sexy Kapuso stars.

“Kung hihipuan namin sila? Actually hindi ‘yun ang gusto ko, e. Gusto ko body shot. Tequila ganu’n. Ha-haha. Charot lang. Pero hindi nila talaga alam kung ano ang gagawin namin ni Tekla sa kanila,” esplika ni Donita.

For sure, selling like hotcakes na ang tickets para sa “Oh, Boy! Oh, LOL!”

q q q

Sa media conference pa rin ng “Oh Boy! Oh LOL!” nakatsikahan namin si Ricky Gallardo, manager nina Ian Veneracion at Angel Aquino na gumanap bilang mag-asawa sa episode ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN kagabi.

Proud si Ricky na ikinuwento sa amin na gagampanan nga ni Ian ang karakter ng National Artist for the Visual Arts na si Cesar Legaspi sa programa ni Charo Santos, habang si Angel naman ang papael bilang si Beth bilang kanyang maybahay. Sila ang mga magulang ng kilalang singer na si Celeste Legaspi.

Bago nakilala para sa kanyang mga makasaysayang obra, binigyang-kulay ng pag-ibig at pinatibay ng iba’t ibang karamdaman ang buhay ni Cesar.

Lumaki bilang isang masakiting bata, nadiskubre ni Cesar na siya ay color blind pagtungtong niya ng kolehiyo habang nag-aaral ng fine arts. Ngunit hindi ito naging hadlang para abutin niya ang kanyang mga pangarap at magpatuloy sa pagpinta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakasama rin sa nasabing episode sina Patrick Sugui, Mary Joy Apostol, Ria Atayde, Krystal Mejes, Josef Elizalde, Nathaniel Britt, Jessica Marasigan, Dexie Daulat, Mica Javier, Jane De Leon, Aurora Sevilla, Andre Garcia, Carla Martinez at Hannah Ledesma. Ito’y idinirek ni Jeffrey Jeturian at sa panulat ni Benson Logronio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending