Nagbabu man sa TV5: Derek bibida sa 10 pelikula, may offer sa GMA at ABS | Bandera

Nagbabu man sa TV5: Derek bibida sa 10 pelikula, may offer sa GMA at ABS

Reggee Bonoan - April 13, 2018 - 12:15 AM

DEREK RAMSAY

HINDI na nag-renew si Derek Ramsay ng kontrata sa TV5. Nag-expire na nitong Martes, Abril 10 ang kanyang exclusive contrat sa Kapatid Network matapos ang anim na taon.

Tinawagan namin ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong para tanungin kung babalik na ang aktor sa ABS-CBN. Ang bungad na sagot niya sa amin, “Reggee, officially, April 10 nag-expire ang kontrata ni Derek sa TV5 and we decided na hindi na mag-renew kasi wala naman siyang ginagawa sa TV5. Saka nag-iba na ang path ng TV5, di ba?

“Ang usapan naman namin nina Chot Reyes, in fact may offer pa, pero we decided na huwag na and we really thankful naman sa TV5 for six years na hindi nila pinabayaan si Derek,” sabi sa amin.

Taong 2012 nang lumipat sa TV5 si Derek galing ng ABS-CBN, ito ‘yung panahon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kampo ng aktor at ng Kapamilya Network. Pero ngayon ay okay na okay na ang aktor at ang management.

Maganda ang naging journey ni Derek sa TV5 – naging host siya ng The Amazing Race (2012) na sinundan ng ikalawang season noong 2014. Siya rin ang naging host ng reality series na Extreme Series:

Kaya Mo Ba ‘To noong 2015.

Ang unang serye ni Derek sa TV5 ay ang action-drama na Kidlat na talagang napamahal sa kanya nang husto dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gumanap siya bilang isang superhero na minahal din ng mga viewers lalo na ng mga bata. Sa katunayan noon umeere ang serye ay “Kidlat” na ang tawag sa kanya ng mga tao.

Naging bida rin siya sa mga drama series na Undercover (2012), For Love Or Money (2013) at ang sitcom na Mac & Chiz (2014). Naging host din ang aktor ng game show na Let’s Ask Pilipinas (2013) at ng variety show na Happy Truck ng Bayan (2015-2016).

Ang aksyon seryeng Amo na idinirek ni Brillante Mendoza ang huling ginawa ni Derek na hindi nga natuloy ipalabas sa TV5. Base sa aming pagtatanong ay nagkaroon ito ng problema sa marketing aspect kaya ibinenta na lang sa Netflix kung saan ito napapanood ngayon.

Ngayong wala ng kontrata ang aktor, babalik na ba siya sa Dos? “As of now Reggee, wala kaming offer sa ABS-CBN pero sa Star Cinema mayroon, in fact tapos na naming gawin ang movie with Bea Alonzo, ‘yung ‘Kasal’ directed by Ruel Bayani,” sagot sa amin ng manager ni Derek.

“And may gagawin pa kaming three more movies sa Star Cinema, we had a meeting recently with Inang (Olive Lamasan). Then, we said yes din with Quantum Films kay Atty. Joji Alonso, plus Regal Films at may Viva Films pa.

“Kaya super busy talaga si Derek now puro movies ang gagawin niya at kung tama ang pagkakabilang ko siguro 10 movies ang gagawin niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya sa TV wala pa, actually maraming nag-o-offer noon pa, like GMA 7, pero ang sabi ko sa kanila, ‘we have to wait first until the contract is over.’ Ayoko naman kasing tumanggap na may kontrata pa kami sa TV5 para malinis,” katwiran pa ni Jojie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending