Horoscope, April 12, 2018 | Bandera

Horoscope, April 12, 2018

Madam Sophia |April 12,2018
facebook
share this

Horoscope, April 12, 2018

Madam Sophia - April 12, 2018 - 02:17 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Lubhang magiging mapalad ang araw na ito kung magsusuot ng kulay na red. Sa kulay na red, makakatangap ka ng malaking sopresa, dagdag na salapi at masarap na romansa. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Imbes na dumakdak, kilos ang dapat upang umunlad ang kabuhayan. Sabihin sa sarili na “Kikilos ako ngayon!” Sa pag-ibig, naiinip na ang kasuyo sa mga pangakong hindi naman natutupad. Mapalad ang 3, 15, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Silver at Violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag nang maghanda ng kung ano-ano, simpleng birthday na lang ang dapat. Isang putahe lang at pagkatapos ay mag-swimming sa beach. Sa ganyang paraan, nakatipid ka na lalo pang naging sweet at masaya ang pamilya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang umunlad magpatulong sa isang kaibigang Sagittarius. Sa pag-ibig, sa isang kaibigan Sagittarius mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 12, 23, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om-Agara.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Simulan ang araw na ito ng puno ng pag-ibig ang iyong puso. Kusang sinusuwerte ang mga Cancer sa pinansayal sa panahon sila ay “in-love” at sa panahon ngayong uulan-aaraw, aaraw-uulan. Buhayin ang pakikipagrelasyon sa isang Capricorn upang lalo pang umigtin ang libido na nakapabibigay din ng suwerte at buenas. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Lilac at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pag-ibig, makakalimutan mo rin ang mapait na sinapit sa maling karelasyon. Sa pinansyal, ang kawalan ng salapi sa ngayon ay nagbabadya ng kasaganaan sa araw ng bukas. Mapalad ang 7, 13, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Karaam-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Magbubunga na ang iyong mga pagsisikap! Hintaying lumipat sa zodiac sign na Taurus ang buntalang mga bituin. Sa panahong nabanggit, dagdag na salapi at masarap na romansa ang aanihin. Mapalad ang 9, 14, 23, 32, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Magenta at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa aspetong pampinansiyal, upang umunlad, ay umpisahan nang magtipid. Sa pag-ibig, hindi lamang materyal na bagay ang nagpapaligaya – kundi ang tapat na karelasyon. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Mayabeeja-Om.” Orange at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Basta ituloy mo lang ang dati ng nasimulan. Huwag kang susuko at wag ka ring aayaw. Dahil sa panahong ikaw ay sadyang masigasig, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyong buhay. At ang mabuting balita, nagpasya na ang langit, sa panahong ito tuloy-tuloy ka na uling susuwertehin. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Gasmin-Nama-Om.” Red at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung hindi ka magbabago ng kilos, malabo kang umunlad at sumagana. Sa pinansyal, kailangang umalis sa sinilangang bayan upang yumaman. Sa pag-ibig, sa malayong lugar matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Pink at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Panahon na upang sumikat! Makilahok sa mga gawaing may kaugnayan sa politika. Sa ganyang paraan, sisikat ka na, makikilala at magkakapera ka pa. Sa pag-ibig, sa pakikihalubilo sa lipunan matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 14, 19, 28, 35, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Aum-Hagiel.” Yellow at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag intindihin ang mga naninira sa iyo, naiingit lang sila. Ituloy lang ang iyong ginagawa, hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang romantikong Libra. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 39, at 43. Mahgiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Lilac at silver ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi na uso ang nagbabait-baitan! Kailangan mong ipaglaban ang iyong paniniwala upang umunlad ka. Sa pag-ibig, hangga’t hindi ka kumikibo, patuloy ka lang nilang aapihin. Panahon na upang lumaban! Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Aum-Yophiel.” Green at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending