TIYAK na mate-turnoff ang mga kasapi ng isang transport group kapag nalaman nilang nuknukan ng korap ang pinuno nila.
Sa katatapos na Manila International Auto Show sa World Trade Center sa Pasay City ay naglagay ng sample units ang ilang kumpanya para sa jeepney modernization project ng gobyerno.
Present sa event ang mga executives ng ilang mga automotive manufacturer para ipakita ang kanilang mga modern jeepney version.
Paikot-ikot doon ang ating bida na nagpapakilalang tagasuporta ng jeepney modernization program.
Ilang mga big boss ng mga kumpanyang proponent ng nasabing proyekto ang kanyang kinausap at pinangakuaang ieendorso ng kanilang grupo.
Natural na magpasalamat ang nasabing mga executives pero lingid sa kanilang kaalaman ay may hidden agenda ang ating bida.
Nagulat ang nasabing mga executives dahil tumataginting na P300,000 sa bawat unit na mabebenta ang hinihinging kapalit ng nasabing transport leader kapalit ng kanilang endorsement.
Halos malaglag sa upuan ang kinausap niyang mga top executives dahil sobra umano ang pagkagahaman sa pera ng nasabing transport leader.
Ang akala daw nila ay tunay na kapakanan ng transport sector ang isinusulong nito pero may kapalit din pala itong halaga.
Kamakailan lang ay naging laman ng balita ang ating bida makaraan siyang makipag-suntukan sa isa pang transport leader dahil sa isyu ng jeepney modernization project.
Ang transport leader na nanghihingi ng lagay kapalit ng kanilang pag-endorso sa ilang brand ng modern jeepney ay si Mr. M…as in Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.