Konteserang beki noon sikat na fashion designer na ngayon
IBA ang ningning sa mga mata ng napakaganda, napakabait, napaka-talented, and still very sexy na beauty queen turned top fashion designer na si Jontie Martinez.
Ito’y matapos niyang masungkit ang Ms. Telegenic at Ms. Friendship award sa katatapos lang na Timeless Beauty Pageant na ginanap kamakailan sa Taytay, Rizal.
Halos 40 iconic gay and transgender beauty queens mula sa dekada 80 at dekada 90 ang pinataob ni Jontie sa mga nasabing titulo na talagang labis niyang ikinagulat.
“Hindi ko talaga ine-expect na mapapanalunan ko ang mga awards na yun,” sabi ng magandang fashion designer. “Nagpapasalamat ako sa mga bumubuo ng Timeless sa very, very fair at objective na turn out ng pagaent.”
Isa si Jontie sa mga matitinik at mahuhusay na kontesera noong dekada 80 at nagtuloy-tuloy ang kanyang pag-ariba sa entablado hanggang dekada 90 bilang isa sa mga pinakatinitingalang beauty queens ng gay and transgender pagaent cricuit.
Matapos ang halos dalawang dekada ng pamamayagpag sa gay beauty pageant, naging kilala naman siyang fashion designer. Ilan sa kanyang mga dinamitan ay ang Superstar na si Nora Aunor, Anne Curtis at ang Powerhouse Diva na si Dessa.
Noong nakaraang Abril 6, inirampa ang ilan sa mga creation ni Jontie sa Marawing Salamat — The Best Of Opera & Fashion For Marawi na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa CPP. Ang proyektong ito ay para sa Duyog Marawi.
Ang Ms. Tourism Queen International grand winner na si Justine Gabionza ang nagsuot ng kanyang pabolosong mga damit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.