Gerald sa mga naninira kay Bea: Siguruhin n'yong perfect kayo bago magsabi ng masama sa iba! | Bandera

Gerald sa mga naninira kay Bea: Siguruhin n’yong perfect kayo bago magsabi ng masama sa iba!

Reggee Bonoan - April 10, 2018 - 12:10 AM


HINDI na masyadong nag-elaborate si Gerald Anderson nang muling matanong tungkol sa estado ngayon ng kontrobersyal na relasyon nila ni Bea Alonzo.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment press si Gerald sa nakaraang Sketchers Move In Style 2018 fashion event, inspired by Global Pop Star Camila Cabello na ginanap sa sa Activity Center ng Trinoma Mall.

Ayon kay Ge, “It was a misunderstanding. Ang importante, everything is good. Everything is good.”
Pero may patama ang aktor sa bashers ni Bea, “Ang gusto ko lang pong sabihin sana sa bashers ‘wow, talaga, siguraduhin ninyong perfect kayo bago kayo magsabi ng masama tungkol sa ibang tao, celebrity man o normal na tao. Wala tayong karapatan at wala kayo sa sitwasyon, ‘yun lang.”

Dagdag pa ni Gerald, “Basta ang importante okay ang lahat at okay kami. Basta okay naman. Basta moving forward tayong lahat. Parang sa dami ng negativity sa mundo, let’s focus on being positive. Yun yung message ko para sa mga tao.”

At dahil okay na sina Bea at Gerald ay tinanong namin kung magkasama silang dalawa sa London dahil narinig ang boses ng aktres sa isang video niya sa social media.

“Secret,” napangiting sagot sa amin ng aktor at sabay sabing, “Nakakarinig ka ng boses (Bea) ha.”
Nagpasalamat naman si Gerald sa lahat ng nanood ng pelikula nila ni Pia Wurtzbach na “My Perfect You”.

“Sobrang masaya kami dahil ginawa namin ‘yung best at more than pa ‘yung kinita, maganda po ‘yung impact niya. Mensahe niya sa mga tao tungkol sa pamilya, sa may mga pinagdadaanan tulad ng karakter ko. Sobrang thankful ako dahil hanggang sa abroad maraming nanonood,” say ng binata.

Masaya ring ibinalita ni Gerald na gagawa siya ng serye tungkol sa magigiting na sundalo na lumaban sa Marawi City.

“Tungkol sa bansa natin na pinagdadaanan ng mga sundalo natin. Iniisip natin na sundalo sila at kaya nila ang lahat pero hindi natin alam na may puso at may human side rin sila, may pamilya rin sila, ‘yun ang gusto naming ipakita.

“Si Direk Richard Somes ang direktor namin, siguro hanggang doon na lang muna ang masasabi ko,” sabi ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending