Bashers ng KathNiel epal na naman, pati pagsubok ni Kathryn sa Dinner In The Sky ginawan ng isyu | Bandera

Bashers ng KathNiel epal na naman, pati pagsubok ni Kathryn sa Dinner In The Sky ginawan ng isyu

Cristy Fermin - April 09, 2018 - 12:01 AM

MADUGO! Ganu’n ang komento ng ating mga kababayan sa napakamahal na pagdi-dinner sa Dinner In The Sky na kasalukuyang tinitikman ng mga yayama-ning Pinoy.

Limitado lang ang panahong ipaglalagi dito sa Pilipinas ng grupo, lilipat na naman sila sa iba-ibang bansa, kaya para mapabilang ang a-ting mga kababayan sa listahan ng mga sumubok na maghapunan sa ere na may taas na 150 feet ay sinamantala na nila ang pagkakataon.

Napakamahal, dalawampu’t limang libong piso ang halaga ng pagkain na may limang putahe, pero ang pagsubo naman nu’n nang nasa top of the world ang binabayaran du’n, saka minsan sa isang panahon lang naman magaganap ang ganu’n.

Isa sa mga sikat na artistang sumubok sa Dinner In The Sky si Kathryn Bernardo. Tama lang ang kanyang ginawa, subukin niya nang subukin ang lahat ng karanasang makapagpapasaya sa kanya habang bata pa siya, habang kaya pa niyang tustusan ‘yun.

Pero hindi ganu’n ang pagtanggap ng ibang kampo sa karanasang tinikman ni Kathryn, naging abala na naman ang kanyang mga bashers, bakit daw nagsayang pa siya ng pera para sa Dinner In The Sky, bakit daw hindi na lang niya ‘yun ibinigay na donasyon para sa mga kababayan nating mas na-ngangailangan?

Nakakawindang ang mga ganu’ng pagpansin. Pera na pinaghihirapan ni Kathryn Bernardo ang ginastos niya sa once in a lifetime experience na ‘yun, hindi niya naman inabala ang kahit sino sa karanasang gusto niya ring ikaligaya, kaya nasaan ang problema?

Mas maganda sigurong magpuyat at magpagod din sa maghapon at magdamag ang mga bashers na ‘yun para makaipon din sila ng pambayad sa karanasang makapaghapunan sa himpapawid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending