Tugade sinibak ang buong LTO branch dahil sa korupsyon | Bandera

Tugade sinibak ang buong LTO branch dahil sa korupsyon

- April 08, 2018 - 03:54 PM

IPINAG-UTOS ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsibak sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng Land Transportation Office (LTO) sa Nueva Vizcaya dahil umano sa katiwalian.
Kabilang sa mga nasibak ay buong sangay ng LTO Bayombong District Office at Aritao Extension Office, matapos ang maraming reklamo ng pangingikil.

Idinagdag ni Tugade na nagreklamo ang mga rice traders at truckers kay Pangulong Duterte kaugnay ng talamak na katiwalian sa lugar matapos makipagpulong ang isingawang pagpupulong sa Malacañang noong Huwebes ng gabi.
“Hindi ako mag-aalaga ng mga anay sa hanay ko. Dati ko pang sinasabi sa inyo, ayaw na ayaw ng Pangulong Duterte ng korapsyon. Sa aksyon o persepsyon, ayaw namin ng korapsyon. Hindi ako nagbibiro, hindi ako magdadalawang isip na yariin kayo,” sabi ni Tugade sa isang pahayag.

Ipinalabas ang kautusan ni LTO Regional Director Romeo Sales, matapos atasan ni LTO Chief Edgar Galvante.

Kasabay nito, ipinag-utos ni Sales ang kanselasyon ng deputation order at Temporary Operator’s Permit (TOPs) na ipinalabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang nangangasiwa sa tulay sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Base sa reklamo ng mga rice trader at trucker mula sa Nueva Vizcaya, kumikita ang maraming mga empleyado ng LTO ng P1 milyon kada araw mula sa libo-libong trak mula sa Cagayan Valley na nagdadala ng mga produktong agrikultura sa rehiyon.

“Sa mga rice trader at truckers, wag kayo magalala. Tuturuan natin ng leksyon ang mga siraulong ‘yan para masigurong maayos kayong makapagnegosyo. Kung may mga reklamo kayo sa iba pang opisyales o kawani ng DOTr, ‘wag kayong mangingiming ipaalam sa akin,” sabi ni Tugade.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending