Boyet nagbigay ng 2 ebidensya para patunayang 'di natutulog ang Diyos | Bandera

Boyet nagbigay ng 2 ebidensya para patunayang ‘di natutulog ang Diyos

Julie Bonifacio - April 07, 2018 - 12:25 AM


KAHANGA-HANGA ang ginawang inisyatibo ng Actor’s Guild President na si Rez Cortez para sa isang recollection in preparation for the Holy Week para sa mga taga-industriya. Dahil maganda ang intensyon ng grupo, naging maganda rin ang resulta nito.

Nanghinayang lang kami dahil ‘di pa ‘yun sinamantala ng ibang mga artista, malalaki man o maliliit, lalo na’t it was for the enrichment of the soul at bago sila naglamyerda kung saan-saan noong Holy Week.

Maganda rin sana na in-encourage na dumalo ang mga sikat na artista ng bagong henerasyon bilang sila ang iniidolo ng mga kabataan ngayon. Ibang inspiration and adulation din ang dating sa fans nila kapag nakikita sila na dumadalo sa mga ganitong uri ng pagtitipon.

Nakaka-inspire ang mensahe ng mga speaker that day gaya ni Brother Archie, Michael Angelo, Christopher de Leon at Tirso Cruz III.

Now we can say na ‘di lang ang Superstar na si Nora Aunor ang “common denominator” nina Boyet at Pip. They now share a common faith with God. Pareho na silang Born Again Christians and very bold in sharing their faith with other people.

Pinatotohanan ni Boyet kung paano kumilos ang Diyos sa buhay niya at iligtas sila ng isa sa mga anak nilang lalaki ni Sandy Andolong. Ikinuwento ni Boyet ang pinagdaanan ng kanyang anak na ginagamot sa isang ospital sa San Francisco.

“You know, it was a horrific scene when I saw him at the hospital in San Francisco. Brothers and sisters, my wife, Sandy, was like, ‘Oh my God! What is this?’ Seeing our child with all the tubes and all that. But now, what? He is cancer-free,” bulalas ni Boyet.

Just recently naman ay “nabaril” sa kanyang left thigh si Boyet kung saan bumaon ang adaptor ng baril na ginamit sa eksena nila ni Marvin Agustin sa serye nila sa GMA 7. Mabuti na lang at ‘di sa ibang maselang bahagi ng kanyang katawan bumaon ang adaptor.

“He is protected by the blood of our Lord and Savior Jesus Christ. I am protected by our Lord Jesus Christ kasi kung hindi wala ako ngayon dito! But you know, every day is a different struggle. So, we have to be reminded of being with God. Being in the presence of our Lord, each and every moment of our lives.

He is always there. Tayo ang wala, ‘di ba?” pahayag pa ni Boyet.

Nakahiga na si Boyet sa nasabing eksena pagkatapos barilin sa unang pagkakataon ni Marvin. Noong barilin daw siya for the second time saka lumabas sa barrel ng baril ‘yung adaptor.

Nu’ng nakita ko dumudugo. I have to be ano, e, meron pa akong monologue. Kasi binaril ako, patay. Tapos pumunta na ako sa Marawi (for charity event) after ng taping,” kuwento pa ni Boyet.

Dinala raw siya ng GMA staff sa ospital. Hindi siya na-confine so he went straight to Marawi City, “Pero hindi pa ako okey that time kasi iika-ika ako maglakad.”

Ramdam daw niya ‘yung sakit pero tiniis na lang niya. Pagpunta niya ng Marawi, doon na raw siya nagpasaksak ng anti-tetanus drug, “Pag-uwi ko (sa Manila), nag-taping pa ako. After the taping, doon ko nasabi, ‘di ko na kaya ‘to. I went to the hospital na.”

q q q

Sa loob ng 25 taon, patuloy pa rin na nagbibigay inspirasyon ang bawat kwentong napapanood sa Maalaala Mo Kaya.

Katulad na lang noong Marso 24 kung saan lubos na pinag-usapan sa social media ang kwento ni Norman King, ang unang Aeta na nakapagtapos sa UP. Umani ito ng libo-libong tweets at papuri mula sa netizens.

Ayon kay Twitter user @imnathaliehart, naantig siya sa episode at naniniwala siya na dapat talagang magtulungan ang mga Pilipino.

Para naman kay @warcus11, tama ang ginagawa ng MMK na ipinakilala nito ang kultura ng mga Aeta maging ang diskriminasyon na nararanasan nila dahil sa kanilang kulay.

Bukod sa pagiging trending topic sa social media, patuloy pa ring nananalo ang programa sa ratings.

Kagaya ng nakaraang episode na pinagbidahan nina Zaijian Jaranilla at Bugoy Carino kung saan nagkamit ito ng national TV rating na 31.8%, mula sa pinagsamang urban at rural homes, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na subaybayan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending