P45 dagdag singil sa Meralco sa kumukonsumo ng 200kWh | Bandera

P45 dagdag singil sa Meralco sa kumukonsumo ng 200kWh

Leifbilly Begas - April 06, 2018 - 12:33 PM

TATAAS ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan dahil sa mas mahal na paggawa ng kuryente.

Ayon sa Meralco aabot sa P0.2250 kada kiloWatt hour ang itataas ng singil nito ngayong Abril.

Sa pagtataas na ito, P10.55 kada kWh na ang magiging singil ng Meralco mula sa P10.32 kada kWh noong Marso.

Nangangahulugan na tataas ng P45 ang babayaran ng mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Noong Marso ay tumaas ang singil ng P0.97 kWh pero P0.85 kada kWh ang ipinatupad ng Meralco. Ang kakulangan ay ipinataw sa singil ngayong buwan.

Tumaas ng P0.1773 kada kWh ang singil sa generation charge o mula P5.2962 kada kWh noong Marso ay P5.4735 kada kWh.

Nakadagdag din sa pagtataas ang mas mahal na singil sa Wholesale Electricity Spot Market na tumaas P1.6441 kada kWh dahil sa pagtaas ng demand sa Luzon Grid.

Naibsan ang pagtataas ng WESM ng pagbaba ng P0.1412 kada kWh sa gastos ng mga Independent Power Producers kung saan kinukuha ng Meralco ang 39 porsyento ng isinusuplay nitong kuryente.

Tumaas din ang transmission charge ng P0.0065 kada kWh bunsod ng mas mahal na ancillary service charges na siningil ng National Grid Corporation of the Philippines.

Sa pagtaas ng generation charge, tumaas din ang buwis at iba pang bayaran P0.0412 kada kWh. Hindi naman nagbago ang sinisingil na distribution charge ng Meralco.

Tumataas ang demand sa kuryente kapag tag-init at inaasahan na mangangailangan ng dagdag na 357 MegaWatt.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending