NANUMPA na ang bagong talagang kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si dating Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra matapos namang italaga ni Pangulong Duterte kapalit ng nagbitiw na si dating secretary Vitaliano Aguirre.
“Iaanunsyo ko po na-appoint na po ni Presidente Duterte si dating senior executive secretary Menardo Guevarra bilang Secretary ng Department of Justice,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Mismong si Duterte ang nag-anunsiyo kaugnay ng kanyang desisyon na tanggapin ang pagbibitiw ni Aguirre.
Idinagdag ni Roque na kwalipikado si Guevarra sa kanyang posisyon.
“Alam po natin kilala natin talaga namang napatunayan na ang kagalingan sa batas at integridad meron si Secretary Guevarra,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.