Dennis, Jen adik na adik sa isa’t isa
NAIKUWENTO ni Jen sa amin ang naging Holy Week vacation nila ni Dennis Trillo last week.
Nag-bonding ang magdyowa sa napakagandang The Farm sa San Benito, isang kilalang wellness spa and resort sa Lipa, Batangas.
“Maikling panahon lang pero sulit naman, nagpa-massage kami, nag-swimming nang kaunti, tapos cleansing. Ganu’n lang. Ang unang plano kasi magda-dive sana kami, pero hindi na nga natuloy.
“So, nagpa-spa na lang kami, kumain nang kumain. Tapos uwi na. Kasi may mga kailangan pa kaming gawin dito sa Manila kaya halos isang araw lang ‘yung naging bakasyon namin doon,” chika pa ni Jen.
In fairness, talagang hinahanapan nila ng panahon ang kanilang relasyon kaya naman hanggag ngayon ay maayos at makulay pa rin ang kanilang pagsasama. And until now, adik na adik pa rin sila sa isa’t isa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.