LizQuen ayaw nang patulan ang mga naninira sa Bagani | Bandera

LizQuen ayaw nang patulan ang mga naninira sa Bagani

Reggee Bonoan - April 05, 2018 - 12:25 AM

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

NATALO na raw sa ratings game ang seryeng Bagani ng programang katapat nito sa GMA 7.

Nagbubunyi ang mga supporter ng katapat na programa, kasabay ng pagsasabing hindi bagay sina Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang mga karakter bilang sina Ganda at Lakas dahil hindi naman daw purong Pinoy ang dalawa.

Nakakatawa, ngayon lang siguro nanalo sa rating ang programang pinapanood nila sa GMA kaya wagas kung makapagbigay ng komento.

Nagtanong kami ng figures kung saan natalo ng GMA 7 show ang Bagani. Base sa nakuha naming datos nitong Miyerkules, Marso 28, nakamit ng Bagani ang 31.6%/28.%/35.2%/23.8% at 28.1%. At 21.2%/21.1%/21.3%/23.7% at 18.5% naman ang kalaban sa kabilang network.

Nitong Lunes, Abril 2 ay nagtala ng 31.1%/27.9%/34.6%/25% at 28.4% ang Bagani at 19.8%/20.9%/18.5%/23.5%/ at 17.7% ang naitala ng katapat na show base na rin sa survey ng Kantar Media.

Tulad nang paulit-ulit naming sinusulat, kung maka-Dos ka, mas paniniwalaan mo ang ratings ng mga programang pinapalabas nila. Kung maka-Siyete ka naman, ganu’n din. Sa madaling salita, depende ‘yan sa paniniwala ng manonood.

Sabi nga, kapag mabunga ang isang puno ay pilit itong binabato at wala naman itong ipinag-iba sa tao na kapag pinupukol ng tsismis o kasiraan ibig sabihin ay threat ito sa mga taong naninira.

Ayaw nang patulan nina Liza at Enrique ang sinasabing hindi sila bagay sa Bagani dahil hindi sila purong Pinoy.

Kung ayaw silang panoorin okay lang basta ang alam nila ay marami silang napapasayang tao sa panonood ng serye nila at gayun din ang buong cast na kahit mahirap ang kanilang mga ginagampanan at location ay enjoy sila dahil napakalaking project ito at higit sa lahat may trabaho sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending