PATULOY na ipinagdarasal ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang health condition.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang TV host-comedian ng update tungkol sa kanyang kidney problem na naging dahilan ng kanyang pag-absent nang ilang araw sa It’s Showtime ilang buwan na ang nakararaan.
“Just finished ultrasound. Hopefully wala na mga stones sa kidney ko para matanggal na ung stent na nilagay sakin. Ang weird ng may tubo sa katawan,” ang mensahe ni Vice sa kanyang mga social media followers.
Kung matatandaan, noong nakaraang Pebrero ay sumailalim si Vice sa isang surgical procedure dahil sa kidney stones. Ito ang dahilan kung bakit palagi siyang nakakaramdam ng matinding abdominal pain.
Ilang araw din siyang nagpagaling kaya isang linggo siyang nawala sa noontime show ng ABS-CBN. Nag-celebrate ng kanyang 42nd birthday si Vice last March 31 at isa nga sa kanyang birthday wish ay ang tuluyang paggaling ng kanyang kidney problem.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.