LTFRB di nga updated sa oil price hike? | Bandera

LTFRB di nga updated sa oil price hike?

Leifbilly Begas - April 04, 2018 - 12:10 AM

NGAYON na tumaas na naman ang presyo ng produktong petrolyo, nagtatanong na si Manong driver kung ano na ang nangyari sa petisyon ng kanilang grupo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtaas ng pasahe.

Ramdam na ni Manong ang itinaas ng presyo ng diesel dahil lagpas P40 kada litro na sa kanyang pinagkakargahan.

Wala naman daw siyang magawa. Kung hindi bibiyahe ay nganga, kakalam ang sikmura ng kanyang mga anak, at papayag ba naman si misis na wala siyang uwing pera?

Lalo na ngayon, graduation ni junior. Siyempre kahit na walang honor ay kailangang may konting salo-salo lalo at hindi naman lahat sa kanilang pamilya ay nakakapagtapos ng elementarya.

Tanong ni Manong, ano raw ba ang hinahanap pa ng LTFRB para makumbinsi na kailangan ng magtaas ng pamasahe? Hindi pa raw ba nila alam na mas mahal na ang diesel ngayon? Ang kailangan lang gawin ay pumunta sila sa gasolinahan.

Pero teka, sabi niya, sigurado naman na may mga mamahaling sasakyan ang mga opisyal ng LTFRB.

Talaga raw bang hindi nila nararamdaman na mahal na ang gasolina?

Hindi raw ba talaga sila updated sa walang humpay na pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo?

Sabi nga niya, baka pwede raw na automatic na rin ang pagtataas ng pamasahe.

Pwede naman daw na ilista na kaagad kung magkano ang pamasahe kapag umakyat sa ganito ang presyo ng diesel. Wala nang peti-petisyon pa sa LTFRB, automatic na.

Halimbawa kung ang presyo ng diesel ay P35 kada litro, ang minimum ay P8. Kapag P40 ang presyo ang minimum ay P10. Hindi na kailangan pang maghintay ng sasabihin ng LTFRB tutal ay hindi din naman daw nagsasagawa ng hearing ang Department of Energy bago magtaas ng presyo ang mga gasolinahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba naman ang naisip nitong ka-tropa ni Manong. Baka raw sinasadya na hindi taasan ang pamasahe hanggang sa umaayaw na lang ang mga driver na gumagamit ng diesel at mapilitan ng lumipat sa de-kuryenteng pamasada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending