Parusang kamatayan ipinataw sa mag-asawang employer na pumatay kay Demafelis | Bandera

Parusang kamatayan ipinataw sa mag-asawang employer na pumatay kay Demafelis

- April 01, 2018 - 07:52 PM

PINATAWAN ng parusang kamatayan ng Kuwaiti court ang mag-asawang Lebanese na lalaki at Syrian na misis kaugnay ng pagpatay sa Pinay na katulong na si Joanna Demafelis, kung saan itinago pa ang bangkay sa loob ng isang freezer sa Kuwait, ayon sa isang source sa judiciary.

Ipinalabas ng korte ang desisyon matapos ang unang pagdinig sa kaso ni Demafelis, ang 29-anyos na kasambahay na natagpuan sa loob ng isang freezer sa Kuwait sa simula ng taon.

Maaaring ipela ng mag-asawa ang desisyon, sakaling bumalik sila sa Kuwait, ayon sa source ng AFP na tumanggi nang magpabanggit ng pangalan.

Matapos ang pagkamatay ni Demafelis, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang deployment ban sa Kuwait.

Naaresto ang mag-asawang Lebanese-Syrian noong Pebrero sa Damascus, Syria matapos ang isinagawang paghahanap ng Interpol.

Isinuko ng mga otoridad mula sa Syria sa mga otoridad ng Lebanon ang lalaki na si Nader Essam Assaf, samantalang nananatiling nasa kustodiya ng Damascus ang misis na Syrian.

Bibitayin ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagbitin.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending