Joshua, Julia nagsagutan sa Twitter: Ano ang alam nila tungkol sa relasyon natin?! | Bandera

Joshua, Julia nagsagutan sa Twitter: Ano ang alam nila tungkol sa relasyon natin?!

Reggee Bonoan - April 02, 2018 - 12:05 AM


“ANG mga pulitiko mahilig magdyowa ng artista.” Ito ang diretsong sinabi sa amin ng ilang katoto nang mapag-usapan ang ilang celebrities na may karelasyong politician.

Sabi namin, bago naging pulitiko ang mga tulad nina Sen. Bong Revilla, Cong. Lani Mercado, Vice-Governor Jolo Revilla, Sen. Jinggoy Estrada at marami pang iba ay naging artista muna at nagkaroon ng mga karelasyon bago pinasok ang public service.

Maliban kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na bata pa lang ay nasa politika na at dito na rin nakilala ang mga naging non-showbiz girlfriend niya, kabilang na ang ina ng kanyang mga anak.

“I mean itong mga hindi masyadong kilalang Mayor pinasok na rin ang pagjojowa ng artista like si Mayor Patrick Meneses (Bulacan, Bulacan), dati naman hindi word of mouth ang pangalan niya until naging sila ni Aiko (Melendez) at ni Ara Mina at nagkaanak pa nga sila.

“Tapos heto, Mayor (Jonathan Tan ng Antique) din pala ang boyfriend ni Bianca Manalo na kung hindi pa nagkaroon ng aksidente ay hindi mababalita na may boyfriend na pala after Fabio Ide. Ay si Aiko rin, Mayor (Jay Khonghun ng Subic) din ulit ang boyfriend” paliwanag sa amin.

Sabi namin, baka naman nagkataon lang. Pero ang paniniwala ng isa pang beteranong manunulat, “Bumabango kasi ang image ng politicians kapag artista ang karelasyon. ‘Wag lang mai-involve sa masama ang artista. Siyempre pati mga pulitiko dapat matino rin para hindi rin kasiraan sa mga karelasyon nilang celebrity.”

Anyway, mukhang okay naman sina Aiko at Mayor Jay dahil three years na silang magkakilala.

“E, si Herbert ba, sinong girlfriend?” tanong sa amin na sinagot agad namin ng, “Ma!” At least may anak na siya, at mukhang okay na rin ‘yun para kay Bistek.

Ang ending ng usapan, “Mga artista rin naman mahilig makipagrelasyon sa pulitiko. Aminin!”

q q q

Nagpalitan ng makahulugang tweet sina Julia Barretto at Joshua Garcia na tila sagot sa mga kontrobersyang ibinabato sa kanilang relasyon.

May kumalat kasing balita na nagkaroon ng matinding away ang dalawang Kapamilya stars dahil sa ibang babae. Diumano, nakikipag-flirt daw ang The Good Son actor sa isang non-showbiz girl.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Joshua ng, “Anong alam nila tungkol satin na hindi natin alam tungkol satin? @BarrettoJulia.”

Ito naman ang sagot ni Julia sa mensahe ng boyfriend, “I also dont know baba.” “Baba” ang term of endearment ng magkarelasyong bagets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil dito, maraming JoshlLia fans ang natuwa – ibig sabihin daw maayos pa rin ang relasyon nina Joshua at Julia at hindi totoong naghiwalay na sila dahil sa third party.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending