SIGURADONG karamihan ngayon sa atin ay nasa mga probinsya na o ibang bansa para magbakasyon bilang bahagi ng paggunita o pag-alala natin sa Semana Santa.
Tinanong namin ang ilan sa mga paborito n’yong celebrities kung saan sila pupunta para mag-reflect at mag-rest ngayong Holy Week.
YENG CONSTANTINO: “Matagal na talaga naming gustong makapunta ni Yan (Asuncion) sa Cambodia. Kaya ngayong bakasyon, iikot kami roon. Gusto kong makita ‘yung mga temples and ruins sa Siem Reap.”
SOLENN HEUSSAFF: “Pupunta kami sa island ng isa kong friend sa Palawan. We’re just going to go see his island. A few of us that are prone to the sea and sea lovers and divers, we’re going to try and see how we can come up with educating people about global warming and everything.”
JED MADELA: “Pupunta kami sa Guimaras sa isang private beach, it’s a family owned resort. Parang reunion na rin ng pamilya and I’m very excited na makasama uli sila ngayong Holy Week kasi after that, balik-trabaho na uli. Siyempre, kasama na riyan ang pagsisimba.”
PIA WURTZBACH: “Staycation lang ako, kasi siguradong puno ang mga beach sa Holy Week. Mas gusto kong sa bahay lang para iwas traffic na rin.”
JERICHO ROSALES: “Gusto ko uling makapunta sa beach. Just to relax lang. I also want to surf again. I haven’t surfed in months.”
MOIRA DELA TORRE: “Baka po sa Boracay kami sa Mahal Na Araw. Sobrang love na love ko kasi ang beach.”
DENNIS TRILLO: “Naging tradisyon na para sa akin ang mag-Visita Iglesia tuwing Mahal Na Araw. Parang hindi kumpleto ang paggunita sa Holy Week kapag hindi ako nakabisita sa iba’t ibang simbahan. Masaya dahil ganyan talaga ang kultura nating mga Pilipino.”
ICE SEGUERRA: “Baka sa Laguna lang kami ni Liza (Dino) and our families para malapit lang, less travel and leff pagod. Lagi akong looking forward sa Holy Week kasi it’s the only time that we’re really together together ng buo.”
GERALD ANDERSON: “May show kami sa Greece with other Kapamilya stars, so baka mag-extend lang ako doon para makaikot pa sa magagandang lugar ng Greece. And siyempre, kasama na diyan ang pagre-reflect.”
EDWARD BARBER: “Babalik ako sa Germany. Usually during Holy Week we go to a church with an English service mass. During Good Friday we do Stations of the Cross in a vineyard.”
NADINE LUSTRE: “We have a plan already, we have a trip out of the country, pero secret muna kung saan!” Yan ang chika ng girlfriend ni James Reid sa isang panayam. Nasa Thailand na ngayon ang magdyowa at ine-enjoy ang island hoping sa Phi Phi Islands.
ELISSE JOSON: “Sa Bali, Indonesia kami this vacation. Gusto kong mapuntahan ‘yung mga magagandang spa nila doon. Also yung mga Bali temples and other tourist spots doon. And also time to reflect and assess everything in life.”
JASON ABALOS: “Uuwi ako sa amin sa Nueva Ecija para makasama sa iba’t ibang Holy Week activities. Bata pa lang ganu’n na ang ginagawa ko. Sama-sama kaming pamilya na nagpuprusisyon at sumasali sa mga Pabasa. Nu’ng bata ako ay mahilig akong kumanta sa mga ganyan.”
PAULO AVELINO: “Maybe I’ll just find something to do in the Philippines, sa beach sana ang gusto ko. Matagal ko nang planong pumunta sa Siargao, pero kawawa naman yung area kasi lahat na ng tao pumupunta du’n. Basta ang gusto ko yung kalma lang, chilax lang para makapag-recharge na rin from pagod and stress and dahil nagtuluy-tuloy din ang trabaho since the start of 2018.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.