5 magic sandata ipinagkaloob na sa mga bagani ng Sansinukob | Bandera

5 magic sandata ipinagkaloob na sa mga bagani ng Sansinukob

- March 28, 2018 - 12:25 AM


MAS tumitindi na ang kaganapan sa hit fantaseryeng ABS-CBN na Bagani dahil sa wakas ay naipagkaloob na ni Apo (Diether Ocampo) ang mga makapangyarihang sandata sa limang bagani ng Sansinukob.

Kasing-tindi rin nito ang suporta ng fans na hindi bumitaw sa episode noong Biyernes (March 23) kaya naman pumalo ito sa average national TV rating na 34.7% mula sa pinagsamang urban at rural homes, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ipinagkaloob ni Apo kay Dumakulem (Makisig Morales) ang “arnis ni Liwliwa” na kayang magpausbong ng kahit na anong buhay sa lupa, habang ibinigay naman niya kay Mayari (Sofia Andres) ang “kalasag ng Kataw” na magsisilbing proteksyon sa mga tao.

Ipinasa naman kay Lakam (Matteo Guidicelli) ang “palakol ni Bernardo Karpio” na kayang buwagin ang kahit anong bagay sa lupa maging ang bundok, at na kay Ganda (Liza Soberano) na ang “pana ni Makiling” na kayang patumbahin angsino mang kalaban gaano man ito kalayo.

Samantala, iginawad naman kay Lakas (Enrique Gil) ang “espada ni Minokawa” na magbibigay sa kanya ng naiibang lakas at liksi sa pakikipaglaban. Hindi pa man nila lubusang nagagamit ang mga sandata para sa kabutihan ay umaaligid na naman ang kasamaan sa katauhan ng tatay ni Lakam na si Ama (Robert Sena). Ano ang maitim na balak ni Ama? Muli kayang mahati ang mga rehiyon?

Huwag palampasin ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending