Mylene pinatay na rin sa The Good Son, Joshua wagas ang pag-iyak | Bandera

Mylene pinatay na rin sa The Good Son, Joshua wagas ang pag-iyak

Reggee Bonoan |March 26,2018
facebook
share this

Mylene pinatay na rin sa The Good Son, Joshua wagas ang pag-iyak

Reggee Bonoan - March 26, 2018 - 06:34 PM


SOBRANG intense ang episode ng seryeng The Good Son nitong Biyernes.

Dahil sa pagwawala at pamamaril ni Dado (Jeric Raval) na mabawi ang mag-inang Olivia (Eula Valdez) at Calvin (Nash Aguas) matapos tumakas sa isla, ay maraming namatay, kabilang na nga si Raquel (Mylene Dizon).

Sa huling tagpo last Friday sa TGS, natabig ni Dado si Racquel na naging dahilan para mahulog ito mula sa rooftop ng building. Kahit na anong kapit ni Joseph (Joshua Garcia) para iligtas ang ina ay hindi na niya nagawa kaya labis niyang sinisi ang sarili sa pagkamatay nito.

Puring-puri ng lahat ng sumusubaybay sa The Good Son si Joshua dahil wagas ang pag-iyak nito habang sinisikap iligtas ang ina.

Pero ang dami ring nagtatanong, bakit daw pinatay agad si Mylene sa kuwento? May kinalaman ba ito sa pagkawala rin ni John Estrada (bilang si Anthony) sa TGS?

Ang tanong sa amin ng isang sumusubaybay sa TGS, “Importante ang role ni Mylene, bakit siya pinatay?

‘Yung kay John puwede pa although pivotal ang role niya sa buhay ng mga Buenavidez. Pero ‘yung kay Mylene panabla siya sa evil character ni Eula. They are the black and white of the story?”

Tama rin naman ang obserbasyon ng manonood ng serye, bakit nga kaya agad pinatay ang karakter ni Mylene, e, tatlong linggo pang eere ang programa?

Sino na ang makakatapat o makakalaban ni Olivia ngayong wala na si Racquel? Ano na ang mangyayari sa magkapatid na Joseph at Obet (McCoy de Leon), sa tatay ni Racquel na si Matias (Ronnie Lazaro)?

Ano na ang susunod na gagawin nina Enzo (Jerome Ponce) at Calvin matapos ibandera ni Dado kung sino talaga ang utak sa pagkamatay ng magkapatid na Victor (Albert Martinez) at Anthony?

Sinagot namin ang mga nagtatanong na mamamatay na talaga ang karakter ni Mylene sa TGS pero hindi naniniwala ang mga ka-chat namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, base naman sa teaser para sa susunod na linggong episode ng The Good Son ay nahuli na si Dado at handa na niyang ipagtapat sa mga pulis ang lahat ng nalalaman niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending