Kay bilis ng panahon | Bandera

Kay bilis ng panahon

Lito Cinco - March 23, 2018 - 12:03 AM

KAY bilis talagang lumipas ng panahon sa buhay natin.

Mantakin ninyo, nagdiwang ako muli ng aking 50th birthday sa ika-labintatlong taon at aking naisip na 40 years pala ng buhay ko ay nagsusulat ako ng tungkol sa sports. Kaya para sa kolum ngayon, pagpasensiyahan na babalik-tanaw lang ako sa naging daigdig ko sa sports.

Nagsimula akong magsulat sa mga weekly sports tabloids at sports magazines, at nakapagsulat din ako sa ilang broadsheet at tabloid.

Marami akong nakapanayam na mga atleta noon, mga retirado na ngayon at meron din na binawian na ng buhay, pero mas marami ang mga katulad ko na buhay pa at ‘yung iba ay nasa larangan pa rin ng sports pero mga opisyales na sila o coaches.

Pero seriously, masuwerte ang turing ko na nabuhay ako sa panahon na ito dahil nakilala ko, nakita ko, na interview ko pa ang mga atletang Pinoy na gumawa ng pangalan hindi lang dito kundi sa pandaigdigang entablado.

Pati sa mga foreign athletes na dumadayo sa Pilipinas ay na-interview ko rin.

Ito ay isang oportunidad na hindi naman nakukuha ng kahit sino kaya nga nagpapasalamat ako na kahit hindi full time ay naging sportswriter din ako, columnist pa nga dahil sa tagal ng panahon.

Ilan sa mga atleta natin na sasabihin ko suwerte ako na nakilala ko noon ay sina Eugene Torre na tinaguriang Asia’s first Grandmaster sa chess; sina Bata Reyes at Django Bustamante sa billiards; Bong Coo at 4-time World Cup champion na si Paeng Nepomuceno sa bowling.

Sa boxing naman ay inabot ko si Flash Elorde at Anthony Villanueva pero bata pa ako noon. Siyempre, si Manny Pacquiao ang talagang nasubaybayan ko from the start to finish… sorry, ayaw pa pala niya tapusin career niya.

Sa track and field, grade 6 pa lang si Lydia de Vega ay nakapanayam ko na siya hanggang sa nagtagumpay siya sa SEA Games at Asian Games, at maging ang kasabayan niya na sina Isidro del Prado at Hector Begeo, marathon runners na sina Jimmy de la Torre, Eduardo Buenavista, Arsenia Sagaray at Cristabel Martes sa women’s side.

Sa golf naman ay naging idolo ko noon sina Ben Arda, Golem Silverio at Frankie Minoza.

Sa swimming ay sina Ral Rosario, Amman Jalmaani, Jairulla Jaitulla at Akiko Thomson ang mga hindi ko malilimutan.

Siyempre sa basketball, inabot ko ang MICAA ng YCO-Ysmael pero hindi pa ako writer noon.

Gayunman, inabot ko ang Crispa-Toyota rivalry at its best, seeing in person sina Bogs Adornado, Atoy Co, Philip Cesar, Abet Guidaben at Freddie Hubalde going up against Sonny Jaworski, Francis Arnaiz, Mon Fernandez at Abe King sa Toyota side. Natatandaan ko rin sina Manny Paner and Yoyong Martires at naging tagahanga rin ako ng Alaska as the team of the ‘90s na pinangunahan nina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa at Bong Hawkins.

‘Yung mga great imports mula MICAA days, sina Tom Cowart, Paul Scranton, Andy Fields, Otto Moore, Glenn McDonald, David Pope at marami pang iba. Mga major sporting events pareho ng PAL Manila International Marathon ay na-cover ko rin dati, Milo Marathon at Subic Bay International Triathlon.

Naging technical official din ako ng triathlon sa Qatar Asian Games at dahil din sa pagiging sportswriter, nakaakyat ako sa Mt Kinabalu kung saan ginaganap ang annual Mt Kinabalu Mountain race, Jones Cup sa Taipei, at locally, maraming sporting events kaya nga naging travel writer din ako.

Hindi pa naman tapos ang istorya ng buhay ko sa sports. Marami pa akong ikukuwento sa inyo sa kolum na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan n’yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending