Sino ang sulsol kay Lloydie para biglang layasan ang showbiz? | Bandera

Sino ang sulsol kay Lloydie para biglang layasan ang showbiz?

Cristy Fermin - March 22, 2018 - 12:25 AM

JOHN LLOYD CRUZ

MAY  nakakuwentuhan kaming production staff na matagal na nakasama sa trabaho ni John Lloyd Cruz.

Hindi rin maapuhap ng aming kausap kung ano ang pumasok sa utak ng magaling na aktor para basta talikuran na lang nang paganu’n ang kanyang napakagandang career.

Gusto nitong isipin na siguro’y inapuntahan na ng pagkaburyong si JLC dahil sa tagal na niya sa pag-aartista, pero tama ang kanyang opinyon, puwede naman siyang magpaalam pansamantala para bigyan ng masarap na pahinga ang kanyang sarili kung pagod na pagod na nga siya.

“Lahat ng mga kaibigan niya, nagulat sa ginawa niyang pang-iiwan sa career niya. Kahit ang mga executives ng network, nagulantang din dahil napakabiglaan ng ginawa niyang decision.

“Ang ganda-ganda ng career niya, ‘yun ang pinapangarap ng mga nagsisimula pa lang, kahit nga ng mga ka-contemporary niya! Ewan kung ano ang nangyari kay Lloydie, ewan din kung sino ang nang-influence sa kanya na gawin niya ang ganu’n!” takang-takang komento ng aming kakuwentuhan.

Noon daw ay napapansin na rin ng mga katrabaho ng magaling na aktor na parang naiinip na siya kapag nagtatrabaho. Siguro raw ay palaging puyat at pagod si JLC kaya siya nagkakaganu’n.

Huling sabi ng aming source, “Sana lang, kung sakaling maisipan na niyang bumalik, e, mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga kababayan natin.”

Oo nga naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending