Iza gaganap na tomboy sa bagong pelikula | Bandera

Iza gaganap na tomboy sa bagong pelikula

Reggee Bonoan - March 21, 2018 - 06:55 PM

IZA CALZADO

SA pamamagitan ng National Breakfast Day ng McDonalds nitong Lunes, ay nakilala namin lahat ng mga alaga ng talent manager na si Noel Ferrer na ginanap sa Madison Street, Greenhills, San Juan.

Ang kilala lang namin sa mga alaga ni Noel ay sina Ryan Agoncillo, Edgar Allan Guzman, Iza Calzado, Joross Gamboa, Vin Abrenica, Jomari Angeles, Atom Araullo at ang Pinay silver medalist sa nakaraang 2016 Summer Olympics (weightlifting) na si Airwoman First Class, Hidilyn Diaz.

Umabot na pala ng 28 ang alaga niya at may mga padating pa kaya nagulat kami dahil ang sabi niya noon sa amin, “Ayoko ng marami kapatid, mahirap baka hindi ko matutukan.”

“Totoo naman ‘yung sinabi ko, pero hindi ko naman mahindian lahat kasi mga Kapamilya’t Kapatid na rin saka hindi naman sila mga alagain, may sari-sarili silang handlers and they pay for it.

“Ako lang, supervision lang and hanapan sila ng projects, then handlers na nila ang tumututok. Saka career path na rin at gusto ko lahat nag-aaral, ayoko ng walang ginagawa,” pahayag ni Noel ng #ALLKAPS talent management agency.

Bukod sa mga nabanggit na alaga ni Noel minus Ryan na dumalo sa kasal nina Joey de Leon at Eileen Macapagal, Jomari at Vin na nasa shooting ng movie project ay naabutan namin sina Akihiro Blanco, Joanna Ampil, Joaquin Valdes, Arman Ferrer, DJ Myke Salomon, Reuben Laurente, Marco Alcaraz, Richard Quan, Adrienne Vergara, Mitch Valdez at Ruby Ruiz.

Ang iba pang talent ng #ALLKAPS ay sina Kuya Kim Atienza, Victor Neri, Lara Quigaman, Vivo Ouano, Chris Leonardo, Rocco Nacino at Chef Myke Tatung.

Inuna naming kausapin si Iza at hiningan ng reaksyon sa hindi niya pagkakasali sa best actress nominees sa 2nd Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa pelikulang “Bliss”.

Inamin ni Iza na hindi siya aware tungkol sa bagong award giving body kaya sinabi namin na ito’y mula sa samahan ng entertainment editors ng mga newspaper sa bansa.

Anang aktres, “Siguro it’s their prerogative! Why will I get mad? It’s their call? I would like to be nominated. Baka they didn’t find my work worthy enough, everybody naman is worthy. Or maybe it’s their criteria it didn’t fit? Baka gusto nila wholesome, e, hindi wholesome ‘yung Bliss. Again, it’s their prerogative. Sana next time, kasama na ako,” sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang next movie project ni Iza ay para sa Cinemalaya under IdeaFirst kung saan gaganap siyang lesbian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending