Ex-BF ni Luningning nabiktima ng sindikato sa social media | Bandera

Ex-BF ni Luningning nabiktima ng sindikato sa social media

Cristy Fermin - March 21, 2018 - 12:35 AM

JHON PAMINTUAN AT LUNINGNING

NABIKTIMA ng fake account ang dating boyfriend ng dancer na si Luningning, si Jhon Pamintuan, na walang naging asunto sa kahit sino mula nang magdesisyon na siyang manirahan dito sa Pilipinas mula sa isang dekadang pagtatrabaho sa Las Vegas.

May gumawa ng dalawang account na sa kanya ipinangalan, kung anu-anong caption ng pagmamaliit at panglalait ang kakambal ng fake account, nag-aalala si Jhon na baka makumbinseng maniwala ang kanyang mga kaibigan at kakilala na sa kanya nga ang dalawang fake accounts na ‘yun.

Sabi ni Jhon, “May takot po ako sa Diyos. Wala po akong kahit sinong nakakaaway at hindi ko po ugaling mangmaliit ng kapwa ko. Never ko pong sisiraan at lalaitin ang kahit sino.”

Positibo ang pagkakilala namin kay Jhon Pamintuan. Sa ilang beses naming pagpunta sa Las Vegas ay sila ng kanyang kaibigang sina John Bautista at Ramil Andrada ang nag-aasikaso sa amin nina Willie Revillame.

Lumiliban sila sa trabaho para lang bigyan ng panahon ang kanilang mga kababayan, si Jhon Pamintuan mismo ang nagmamaneho para sa aming grupo papunta sa kung saan-saan, maganda ang kanyang imahe sa mga Pinoy na madalas magpunta sa Las Vegas.

Tapos na ang halos dalawang dekada nilang relasyon ni Luningning, walang kontrobersiya sa kanilang paghihiwalay dahil tahimik lang sila, hindi inaasahan ni Jhon na sa social media pa pala siya sisiraan ng mga taong walang magandang magawa sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending