MULING umapoy ang Manila Pavilion Hotel and Casino ganap na alas-11 ng umaga, ayon sa isang opisyal.
Kinumpirma ni Johnny Yu, director ng Manila Disaster Risk and Reduction Management (MDRRMO), sa isang text na ganap na alas-11:30 ng umaga nang muling masunog ang hotel.
Noong Linggo ng umaga, sumiklab ang sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino sa kahabaan ng UN Avenue sa Ermita, Maynila na umabot ng 25 oras bago tuluyang maapula alas-10:56 ng umaga noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending