Yosi sanhi ng paghina ng pandinig | Bandera

Yosi sanhi ng paghina ng pandinig

AP - March 19, 2018 - 08:00 AM

HUMIHINA ba ang iyong pandinig? Wala ring humpay ang iyong pagyoyosi? Kung mahina ang pandinig at patuloy ang paninigarilyo, alam mo na kung bakit nangyayari ito.

Lumalabas sa bagong pag-aaral sa Japan na ang patuloy na paninigarilyo ay nagdudulot na paghina o tuluyang pagkawala ng pandinig.

May mga pag-aaral kung saan iniimbestigahan ang pagkakaugnay ng sigarilyo at ang pagkabingi ng isang tao.

Isinagawa ng National Center for Global Health and Medicine ng Japan, ito na ang pinakamalaking pag-aaral kung saan umabot sa 50,195 ang lumahok na may edad mula 20 hanggang 64 sa loob ng walong taon.

Pawang walang problema sa pagdinig ang mga sinuri sa umpisa ng pag-aaral. Isinagawa ang pagsusuri kada taon para malaman kung bumaba ang pagdinig ng mga kalahok.

Sinuri rin ng mga mananaliksik ang taunang checkup, binigyan ng questionnaire ang kasama sa eksperimento na may kaugnayan sa kanilang lifestyle.

Tinanong din ang mga sinuri hinggil sa paninigarilyo, kung naninigarilyo ba sila, tumigil ng paninigarilyo o hindi naninigarilyo.

Bukod pa rito, inalam kung gaano karami ang nauubos na sigarilyo ng mga sinuri at kung kailan naman tumigil sa paninigarilyo ang mga dating nanigarilyo.

Isinama rin sa konsiderasyon ang pagiging lantad sa ingay. Lumalabas na 1.2 ang increased risk na makaranas ng low-frequency hearing loss ang mga naninigarilyo at 1.6 ang increased risk ng high-frequency hearing loss, kung ikukumpara sa mga hindi naninigarilyo.

“The risk of developing both high- and low-frequency hearing loss also increased with the number of cigarettes smoked per day,” ayon sa pag-aaral.

May 1.2 increased risk ng high-frequency hearing loss ang mga dating naninigarilyo, bagamat bumababa naman ang tsansa ng pagkawala ng pandinig sa loob ng limang taon matapos tumigil manigarilyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“With a large sample size, long follow-up period, and objective assessment of hearing loss, our study provides strong evidence that smoking is an independent risk factor of hearing loss,” sabi ni Dr. Huanhuan Hu, ang lead author ng National Center for Global Health and Medicine ng Japan.

“These results provide strong evidence to support that smoking is a causal factor for hearing loss and emphasize the need for tobacco control to prevent or delay the development of hearing loss.”
Mababasa ang resulta sa journal na Nicotine & Tobacco Research sa online.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending