Neri Naig na-bad trip nang singilin ng doktor: Bakit ko naman siya babayaran ng P10k?
CHITO Miranda’s wife, Neri Naig, fumed on social media dahil sinisingil siya ng halos P10,000 ng isang doctor.
“Bakit ako sinisingil ng P9,783 ng isang doctor na never nagpakita sa amin o never kong nakausap sa phone. Never chineck ang anak ko. At bakit ko naman siya babayaran? Unfair naman yun di ba?
“Hindi sa pera yun, kaya kong bayaran o ipabayad sa asawa ko.
“Yung ibang mga doctors ni Miggy na galing pa sa malalayo, halos gas na lang ang siningil sa akin. Kase sobrang love nila si Miggy at di nagtetake advantage sa amin. Mababait talaga sila.
“Sa lahat ng mga nakakita sa akin na medyo nagtataray na sa billing kase di makatarungan ang sinisingil sa akin ng isang doktor. Sabi ko di ako magbabayad ng ganung kalaking professional fee ng isang doctor ng di man lang binisita ang anak ko o nakausap ko man lang sa telepono o text man lang o paramdam man lang sa amin.”
‘Yan ang aria ni Neri sa Facebook which elicited reactions from her fans.
“Marami talagang mukang pera! Hayaan mo lang dahil nakakarma yang mga ganyang klase ng tao.”
“Daming ganyang doktor. Kalimitan naniningil pero di mo man lang naaninag ang itsura o kaya kahit nag aparisyon man tapos sa bayaran biglang sumusulpot ang pf nila sa bill.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.