Sofia Andres: Bigyan n’yo po ako ng chance! | Bandera

Sofia Andres: Bigyan n’yo po ako ng chance!

Ervin Santiago - March 18, 2018 - 12:01 AM


NANG dahil sa pambu-bully sa kanya noong bata, nagkaroong ng takot si Sofia Andres na makihalubilo sa ibang tao.

Ito ang inamin ng dalaga sa panayam ng Tonight With Boy Abunda. Napaluha si Sofia habang ikinukuwento ang naging experience niya noon, kabilang na ang pagtawag sa kanya ng kung anu-anong masasakit na salita.

“Nag-start ako mag-approach sa kanila, pero wala, eh. Oh my God, ang sakit niya,” ang napapaiyak na sabi ng dalaga. May mga tumatawag din daw sa kanya ng “starlet” at hinding-hindi naman daw siya sisikat sa showbiz.

Dito na nagsimula ang pag-iwas niya sa ilang mga taong nakakatrabaho niya o nakakasama niya sa pagiging artista, “Pero hindi naman pala dapat nilalahat. Ngayon I’m trying to change myself. Wala namang mawawala sa akin if I say hi to everyone kahit na i-reject nila ako.”

Kamakailan, naging usap-usapan ang pagtataray daw ni Sofia as isang blogcon. Humingi na siya ng paumanhin tungkol dito at sinabing wala naman siyang masamang intensyon at ayaw din niyang makasakit.
Sa nakaraang thanksgiving presscon nga ng Bagani kung saan isa siya sa mga bida, naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mga reporter at blogger. Dito, pinuri din siya ng kanyang mga kasamahan sa serye kabilang na riyan sina Enrique Gil, Matteo Guidicelli, Makisig Morales at Liza Soberano.

“I really said sorry, sana huwag naman ila akong i-judge basta-basta. Mayroon talaga akong mukhang suplada, I’m not interested, I don’t care. Ganu’n lang talaga ang dating ko. Sana mag-give chance sila, hindi talaga ako ganu’n.”

Sabi naman niya sa isa pang panayam, “Sobrang wrong timing lang talaga, at least now I know, I’ve learned next time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending