Pagbangon muli ni Mark Anthony nadaan sa taimtim na dasal | Bandera

Pagbangon muli ni Mark Anthony nadaan sa taimtim na dasal

Cristy Fermin - March 15, 2018 - 12:45 AM

MARK ANTHONY FERNANDEZ

AYON sa aming impormante ay maayos na maayos na ang katawan ngayon ni Mark Anthony Fernandez, bumabalik na raw ang sigla ng guwapong aktor, ilang panahon pa at handa na siyang sumalang uli sa harap ng mga camera.

Halos sa gym na pala siya nakatira ngayon dahil malaking-malaki ang kailangan niyang habulin sa napabayaan niyang katawan habang nakakulong siya.

“Naka-ready na ang script ng gagawin nilang movie ni Claudine Barretto, sila na lang ang hinihintay ng Viva. Oras na okey na silang dalawa, diretso na ang trabaho,” kuwento ng aming source.

At malapit na ring mapanood si Mark Anthony sa seryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, ‘yun ang magsisilbing binyag ng apoy para sa guwapo at magaling na aktor mula nang makalaya siya, kaabang-abang ang partisipasyon niya sa palabas na gabi-gabing inaabangan ng buong bayan.

Sa mga huling pictures ni Mark Anthony ay hindi pa rin maitatago ang kanyang kaguwapuhan, ‘yun pa rin ang itsurang nagpasikat sa kanya, parang binatang Rudy Fernandez ang dating ni Mark.

Tama ang palaging sinasabi ni Alma Moreno, dasal lang, walang hindi kayang baguhin ang panalanging sinsero para sa mga mahal natin sa buhay.

Sabi pa ng aktres na maganda pa rin sa kabila ng paglusog, “Nakakalimutan ko na ngang ipagdasal ang sarili ko, para sa mga anak ko na lang ang hinihingi ko. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang ipagdasal na lang sila.

“Kapag magkausap kami ni Mark, sinasabi ko sa kanya na mas mahirap ang magsimula uli, pero kakayanin niya ang lahat. Tiwala lang ang kailangan ng anak ko, kailangang maramdaman niya na marami pa ring nagmamahal at nagtitiwala sa kanya,” komento ni Ness.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending