Cesar, DOT mamimigay ng award sa ‘Cine Turismo’
PANGUNGUNAHAN ni Cesar Montano ang launching ng Cine Turismo: TBP Film Tourism Recognition na project ng Tourism Promotions Board (TPB), attached agency ng Department of Tourism, na pinamumunuan ng aktor bilang Chief Operating Officer.
“Film tourism is a steadily growing industry in the country.
“This project is created to acknowledge the many films and filmmakers that through their wonderful portrayals of the Philippines, have aroused interest and boosted tourism in local tourist spots,” pahayag ni Cesar patungkol sa nasabing proyekto.
Sa project na ito ng TPB, bibigyan nila ng recognition ang filmmakers na tumutulong sa promotions ng local tourism na napanood sa ginawang pelikula.
Bibigyan ng parangal sa launching ang Filipino directors at ang movies nilang ipinalabas sa taong 2016 at 2017.
May criteria na sinunod ang organizers para sa pagpili ng honourees.
Bukod sa local films na gagawaran ng parangal, may special citation din para sa ilang South Korean films gaya ng “Mango Tree” kung saan ipinakita sa pelikula ang ilang bahagi ng Cebu at ang “Island” na kinunan sa Boracay.
Siguradong maraming filmmakers at producers ang mai-inspire sa bagong project na ito ng Tourism Promotions Board.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.