Oranza ingat na sa mga huling lap ng Ronda | Bandera

Oranza ingat na sa mga huling lap ng Ronda

Angelito Oredo - March 13, 2018 - 12:11 AM


IMBES na magpahinga ay gagamitin ni overall leader Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance ang dalawang araw na pahinga upang mapag-aralan nito ang mga daanan sa bulubundukin ng huling tatlo sa apat na yugto ng 2018 Ronda Pilipinas.

Ang 25-anyos na si Oranza ay sumagitsit sa liderato matapos ang apat na podium finishes kabilang ang tatlong lap na panalo sa nakalipas na walong yugto sa pagtala ng kabuuang tiyempro na 21 oras, isang minuto at 56 segundo para sa pitong minutong abante sa kakampi sa Navy na si Jan Paul Morales (21:08:51) at Jay Lampawog ng Go for Gold Developmental team (21:19:31).

Kabilang sa Top 10 sina Cris Joven ng Army-Bicycology (21:20:02), John Mark Camingao ng Navy (21:20:24), George Oconer ng Go for Gold (21:20:51), Ronnel Hualda ng Go for Gold Developmental Team (21:21:29), Rudy Roque ng Navy (21:21:42), Irish Valenzuela ng CCN Superteam (21:22:04) at Junrey Navara ng Navy (21:22:08).

Gayunman, nanganganib ang malaking abante ng 25-anyos mula sa Villasis, Pangasinan kung hindi mag-iingat.

“Kailangan ko talaga mag-ingat at maging mapagmatyag para hindi maaksidente o magka-mechanical problems,” sabi ni Oranza. “Kaya iikutin namin ang Cavite para mapag-aralan at magamay ko ang akyatin.”

Ang tatlong susunod na yugto ay tatampukan ng mga akyatin na 207.2km Silang-Tagaytay Stage 9 sa Huwebes, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Biyernes at ang 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Sabado.

Ang karera na hatid ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, Filinvest, Philippine Rabbit, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling, ay matatapos sa pinakahuling Stage 12 criterium sa Filinvest, Alabang sa Linggo.

Aminado si Oranza na halos abot kamay na nito ang kanyang pinakaunang korona sa Ronda matapos ang pares na ikalawang pagtatapos kay Morales dalawang taon angnakaraan at ikatlo sa na tinanghal na 2013 champion na si Irish Valenzuela.

Sakaling magwai ay hindi lamang nito maibubulsa ang top purse na P1 milyon kundi makakasama ito sa elite club na binubuo nina Morales, Valenzuela, two-time winner Santy Barnachea ng Team Franzia, Mark Galedo at Reimon Lapaza.

“Iyon talaga ang pangarap ko na maging Ronda champion. Pero kailangan ko matapos muna ang karera bago ako mag-isip ng iba,” sabi ni Oranza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending