Vice sa bashers: Ginagamit ko ang socmed para pakalmahin sila! | Bandera

Vice sa bashers: Ginagamit ko ang socmed para pakalmahin sila!

Ervin Santiago |March 11,2018
facebook
share this

Vice sa bashers: Ginagamit ko ang socmed para pakalmahin sila!

Ervin Santiago - March 11, 2018 - 12:30 AM

VICE GANDA

GINAGAMIT ni Vice Ganda ang kanyang powers sa social media para magpasabog ng good vibes sa madlang pipol.

Kung dati ay talagang pumapatol siya sa mga bashers, ngayon ay iba na ang kanyang style sa pagsagot sa mga ito. “Dati pumapatol din ako pero hindi rin naman ako…parang sabi ko wala rin namang magandang naidulot sa akin kaya ‘wag na lang,” ani Vice sa isang panayam.

“Maraming nagpo-post nang pangit pero iilan lang naman ang followers nila, kaya feeling ko mas makapangyarihan ang ipo-post ko dahil malawak yung reach niya kasi,” aniya pa.

Kaya naman mas pinili ng Unkabogable Star na magpaka-positive na lang, “Ginagamit ko yung social media ko para pakalmahin sila at punuin lang ng positivity yung kung ano lang yung nababasa nila do’n sa mga feeds ko. Hindi ako naglalagay ng anything negative.”

Napakalaki ng impluwensya ni Vice sa socmed dahil sa milyun-milyong followers niya. Sa ngayon, may 10.6 million followers na ang TV host-comedian sa Twitter at 5.9 million naman sa Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending