Erik sa pagiging bisexual ni Mark: Hindi ko siya hinusgahan, nirerespeto ko siya! | Bandera

Erik sa pagiging bisexual ni Mark: Hindi ko siya hinusgahan, nirerespeto ko siya!

Ervin Santiago |March 11,2018
facebook
share this

Erik sa pagiging bisexual ni Mark: Hindi ko siya hinusgahan, nirerespeto ko siya!

Ervin Santiago - March 11, 2018 - 12:20 AM

ERIK SANTOS AT MARK BAUTISTA

NIRERESPETO ni Erik Santos ang naging desisyon ng kanyang kaibigan na si Mark Bautista na magpakatotoo at aminin sa madlang pipol ang tunay niyang kasarian.

Ayon sa Pop Prince, hindi pa niya nababasa ang kontrobersyal na libro ni Mark na “Beyond The Mark” kaya ayaw niya munang magbigay ng detalyadong komento tungkol dito.

Sa nakaraang presscon ng Cornerstone Concerts, nasabi ni Erik na suportado niya ang kaibigan sa pag-come out nito bilang bisexual. “The friendship is still there. Mabait kasi si Macmac eh, napakabait na tao. And no judgment at all,” ang pahayag ng Kapamilya singer.

Ayon pa kay Erik, kung anuman daw ang laman ng libro ni Mark, hindi magbabago ang pagtingin at pagrespeto niya sa binata bilang tao at bilang singer, “Yung friendship namin ang lagi kong tinitingnan. At kung ‘yun ang titingnan mo. He’s a good friend at napakabait na tao.”

Huli raw silang nagkita ni Mark noong Jan. 8 sa wedding ng kapatid ni Christian Bautista na kaibigan din nila. Nahihiya naman daw siyang magtanong lalo pa’t medyo personal at sensitive nga ang isyung kinasasangkutan ng kaibigan.

Ayaw na ring magkomento ni Erik tungkol sa pagkakabanggit ng pangalan ng isa pa niyang kaibigan na diumano’y nagkaroon ng intimate encounter with Mark.

“Wala namang pina-ngalanan, eh. So, parang ang hirap lang mag-comment, and I haven’t really read the book yet. Parang hindi ako nasa tamang posisyon to comment about it,” ang sabi pa ni Erik sa isang panayam.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending