Pambabastos ng kontrobersyal na aktor kay female celeb nabigyan na ng hustisya | Bandera

Pambabastos ng kontrobersyal na aktor kay female celeb nabigyan na ng hustisya

Cristy Fermin - March 09, 2018 - 12:30 AM

TUWANG-TUWA ang isang female personality na sa mahabang panahon ay nanahimik lang sa ginawang kabastusan sa kanya ng isang aktor. Nagkasama sila nu’n sa isang proyekto at du’n naganap ang mga pambabastos sa kanya ng male personality.

Masaya ang aktres dahil ngayon ay pinagdurusahan na ng lalaking personalidad ang mga pinaggagagawa niyang pambabastos sa mga kababaihan. Panahon na para matigil ang kawalan ng respeto ng aktor sa mga babaeng walang kalaban-laban.

Kuwento ng aming source, “Dapat sana, e, magsusumbong ang girl sa mga ginagawang pambabastos sa kanya ni ____ (pangalan ng male personality). Pero naisip niya na siguradong sa kanya pa babalik ang lahat dahil hindi naman siya sikat, baka siya pa ang lumabas na nag-iimbento ng istorya.

“Pero totoong binabastos siya ng male personality, may mga pagkakataong tatabihan siya ng aktor, saka siya bubulungan ng kung anu-anong bastos na salita.

“Pinalalampas lang niya nu’ng una ang lalaki, pero habang nagtatagal at pinagpapasensiyahan lang niya ang loko, lalong lumalala ang pambabastos sa kanya.

“Tama bang kapag magkatabi sila, e, sabihan niya ang girl ng ‘Ang sarap-sarap mo sigurong kasama sa kama.’ Natatakot na ang babae sa kanya, gustung-gusto na niyang magsumbong sa production, pero nag-aalala nga siya na baka siya pa ang pagbintangang KSP,” simulang kuwento ng aming impormante.

Matagal na panahon nang nangyari ang kuwento, marami pang ibang kababaihang binastos ang aktor, pero wala pa rin siyang kadala-dala. Patuloy pa rin ang kanyang pambabastos sa mga babaeng alam niyang hindi kikibo sa kanyang mga kawalanghiyaan.

“Pero dumating na ang tamang panahon, nakakita ng katapat ang male personality, pinagdurusahan na niya ngayon ang mga pambababoy na ginagawa niya.

“At ang masakit pa, ang nakatapat ng male personality, e, hindi iba sa kanya, parang kapamilya na niya, kaya ayun, tuwang-tuwa ang girl dahil parang ipinagtanggol na rin ng pangyayaring ito ang kaapihan niya.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba ng clue para mahulaan n’yo kung sino ang bastos na lalaking ito?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending