‘Nag-sorry na si Sofia, bigyan natin siya ng chance!’
ISA kami sa pumupuna kay Sofia Andres sa tuwing may presscon o mediacon na tila wala sa event ang kanyang focus. Napapansin kasi namin na wala siyang ginawa kundi magdudutdot ng cellphone niya.
Kaya kung minsan, kapag natatanong siya ay ang tagal bago niya masagot nang tama bukod pa sa laging seryoso ang kanyang mukha kaya napagkakamalang suplada at isnabera.
Aminado kaming naiirita kami sa mga artistang ganito ang trato sa taga-media kaya talagang pinupuna namin sila sa aming mga panulat.
Sa kaso ni Sofia ay gusto namin siyang intindihin lalo na’t baguhan at bago pa man nagkaroon ng seryeng Pusong Ligaw at Bagani ay nakaka-tsikahan na namin siya kasama ang mommy niya at napansin naming hindi sila showbiz na mag-ina na isa sa mga nagustuhan namin sa kanila.
Maraming kuwento na hindi naman kailangang isulat, maraming mga isyu na kailangang iresolba at nakikinig naman ang mag-ina sa mga payo namin. Isa pa sa nagustuhan namin sa kanila ay marunong silang magpasalamat sa tuwing may nasusulat kaming maganda na bihira na sa mga artista ngayon lalo na sa mga baguhang youngstar na feeling superstar agad.
Sa ngayon ay kaliwa’t kanan ang mga bira kay Sofia at naiintindihan namin dahil tulad nga ng nasulat namin marami pa ring ugali ang dapat baguhin ng dalaga.
Humingi na ng dispensa si Sofia sa mga taong nagawan niya ng hindi maganda at umaasa siyang sana ay mapatawad siya, sana’y mabigyan naman siya ng ikalawang pagkakataon.
Yes bossing Ervin, kailangan ni Sofia nang lubos na pang-unawa ngayon at isa kami sa magbibigay sa kanya nito.
As of now ay napupuri si Sofia sa set ng seryeng Bagani dahil sa pagiging propesyonal, hindi raw siya sakit ng ulo sa taping at higit sa lahat, hindi naman daw siya laging nakadutdot sa cellphone niya.
Wish namin kay Sofia, sana kung anuman ang pinagdadaanan niya ngayon ay malusutan niya at matutong mag-adjust kung hinihingi ng pagkakataon.
Samantala, agad na nabighani ang sambayanan sa Bagani nina Liza Soberano at Matteo Guidicelli matapos manguna sa national TV ratings ang pilot episode nito noong Lunes ng gabi.
Pumalo ang serye sa national TV rating na 35.5%, ayon sa datos mula sa Kantar Media. Bukod sa rating, naging patok din ito agad sa social media matapos mapasama sa listahan ng worldwide trending topics sa Twitter ang official hashtag ng programa na #UnangSabakngBagani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.