Iniwan ng 2 taon, ngayon gustong bumalik ni BF | Bandera

Iniwan ng 2 taon, ngayon gustong bumalik ni BF

Beth Viaje - March 07, 2018 - 12:10 AM

GOOD afternoong ate Beth.

Ako pala si Mae ng Kidapawan. Ate payuhan mo naman po ako. May anak ako tapos iniwan kami ng papa ng anak ko.

Two years na ang nakakaraan since iwan niya kami, tapos ngayon ay gusto na po niyang makipagbalikan sa akin. Tatanggapin ko pa po ba siya? Baka kasi bumalik yung dating ugali niya na palaging lasing. Ano po ba ang dapat kong gawin, ate?

Maraming salamat.

Mae, Kidapawan City

Hello Mae,

Naku, Mae hindi ako pwedeng magdesisyon para sa iyo. Ikaw ang dapat mag isip niyan, hindi ako o ang anak mo, o ang nanay o kapitbahay mo.

Iniwan kayo ng two years, sa loob ng mga panahong yun, nabuhay naman kayo ng anak mo, hindi ba?

Ngayon, bakit gusto mong makipagbalikan? Mahal mo pa ba?

Please lang, wag mong sasabihin na kailangan ng anak mo ang tatay niya, dahil sa loob ng dalawang taon na magkahiwalay kayo, nagsurvive ang anak mo nang wala siyang tatay.

Sana kung makikipagbalikan ka dahil gusto mo talaga, dahil mahal mo, dahil naniniwala kang may pag-asa pa nga kayong dalawa.

Pero alam mo sa sarili mo na nagdadalawang-isip ka, otherwise, hindi ka na nag-text para ipaalam sa akin ang problema mo, true di ba?

Nagdadalawang isip ka dahil baka hindi pa siya talagang nagbabago; na lasenggo pa rin sya. So, bakit di mo sya tanungin? Bakit di mo siya hingan ng kasiguraduhan na matino na siya at tuluyan na ngang nagbago?

Kapag ba nakipagbalikan ka, mas mapapabuti ang buhay ninyong mag-ina? Makakatulong ba sa buhay at pagpapalaki mo sa anak mo ang tatay niya?

Pano nga kung lasenggo pa rin sya? Pano kung di pa sya nagbabago? Kaya mo pa ba siyang tanggapin kapag di pa rin sya nagbago? O makikipaghiwalay ka muli?

Ano rin ba ang reason niya bakit bigla na lang siyang makikipagbalikan sa iyo after two years?

Ano ang opinyon ng mga malalapit ninyong kaibigan? Ano ang opinyon ng anak mo rito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pag nasagot mo ang mga tanong na ito, sana mas maliwanag na sa iyo ang lahat. Huwag padalos-dalos sa desisyon; huwag masyadong padala sa damdamin. Gamitan din ng utak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending