Baron Geisler ang tindi mag-trip sa gabi, pinetisyon ng mga kapitbahay | Bandera

Baron Geisler ang tindi mag-trip sa gabi, pinetisyon ng mga kapitbahay

Cristy Fermin |March 07,2018
facebook
share this

Baron Geisler ang tindi mag-trip sa gabi, pinetisyon ng mga kapitbahay

Cristy Fermin - March 07, 2018 - 12:10 AM


HANGGANG sa kanyang pagtanda ay bitbit pa rin kaya ni Baron Geisler ang pagiging barumbado niya?

Pahulaan pa hanggang ngayon kung kailan siya tuluyang magbabago para maisalba pa niya ang kung anumang meron siya bilang artista.

Pinepetisyon na rin pala siya ngayon ng kanyang mga kapitbahay sa Angeles City, sino naman kasi ang magkakagusto sa isang kapitbahay na sa kalagitnaan ng sarap ng kanilang tulog ay bigla na lang magsisisigaw, pupunuin ng pasigaw na pagmumura ang paligid?

At ngayon ay hindi na iba sa kanya ang nakaengkuwentro ng magaling pa namang aktor, mismong bayaw na niya, hindi siya sinaktan nito sa ibang lugar kungdi sa mismong loob ng bahay niya.

Walang kahit sinong maglalakas-loob na pumasok sa bahay ng may bahay nang hindi sagad na talaga ang nararamdamang galit. Mali na kung sa mali, trespassing ‘yun, pero hindi lang naman si Baron ang nakalilimot sa kung ano ang tama at mali kapag nasa kaitaasan na ang emosyon.

Nilinaw ng aming source na ang ihinahabol na kaparte ni Baron Geisler sa bahay na tinirhan ng namayapa niyang ina nu’n ay hindi makatarungan. Wala siyang dapat habulin, hindi niya dapat awayin ang kanyang bayaw, dahil ito pala ang nagpatayo sa bahay na sinasabi ng aktor.

“Kung anu-anong pambabastos na ang ginagawa niya sa bayaw niya, pero pinalalampas lang siya. Pero dumating na ‘yung tao sa tipping point, punumpuno na, kaya nakatikim na siya!” sabi pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending