Hindi pa tag-init-Pagasa | Bandera

Hindi pa tag-init-Pagasa

Leifbilly Begas - March 06, 2018 - 07:06 PM

Masakit na sa balat ang sinag ng araw kapag tanghaling tapat pero hindi pa tag-init.

      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration hindi pa umaalis ang hanging Amihan (northeast monsoon) sa bansa.     Kapag nakompleto umano ang pamantayan na pinagbabasehan nito ay tsaka pa lamang idedeklara ang tag-init.     Naaapektuhan umano ang amihan ng high pressure area sa Siberia at mayroon ding low pressure area sa Japan.       Sa Biyernes ay inaasahan umano na muling mararamdaman ang malamig na hangin mula sa amihan at mararamdaman ito sa mga lugar na nasa hilaga ng Luzon.     Inaasahan na mas magiging maaga ang tag-init ngayong taon. Noong nakaraang taon ay Abril idineklara ang tag-init.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending