Bakit gustung-gustong kantahin ni KZ ang ‘Anak’ sa Singer 2018?
KUNG mabibigyan ng chance, gusto talagang kantahin ni KZ Tandingan ang classic OPM song na “Anak” ni Freddie Aguilar sa pinakamalaking singing competition sa China, ang Singer 2018.
Ayon sa tinaguriang Asia’s Soul Supreme, naniniwala siya na marami ang makaka-relate kapag kinanta niya ang “Anak” sa nasabing programa dahil alam niyang sikat na sikat ito sa buong mundo. Nai-translate na rin ito sa iba’t ibang lengguwahe at meron na rin itong Chinese version.
At sa patuloy niyang pakikipaglaban sa Singer 2018, umaasa siya na makakanta rin niya ang “Anak”, “Kasi aside from it’s one of the most beautiful OPM ever written, sobrang sikat din kasi siya sa China so kung kakantahin ko man siya lalo nilang maiintindihan kasi alam nila ang kanta.”
Nakausap ng ilang members ng entertainment media si KZ sa presscon ng Cornerstone Concerts kamakalawa kung saan in-announce ang walong bonggang concert ng mga pambatong singer ng talent management ni Erickson Raymundo this year.
Pahayag pa ni KZ, “And alam mo ‘yun nakaka-proud na may OPM song na sobrang sikat sa ibang bansa na kung hindi nila trinanslate, hindi nila maiintindihan di ba? Kumbaga nagkaroon ng connection ang ibang lahi sa kanta ng mga Pinoy.”
Siniguro naman ng Kapamilya singer na priority pa rin niya ang career niya rito sa Pilipinas kahit na magkaroon siya ng offer sa China, sakali ngang manalo siya sa Singer 2018.
“We will work hard to find the center of everything kasi ayokong pabayaan kung ano man ‘yung na-build ko in six years dito sa Pilipinas. Gusto ko dito pa rin ako based, kung may work ako don tsaka ako lilipat don, pero kapag wala, dito lang ako. Mas masaya, mas komportable ako dito,” aniya.
Sa ngayon, nasa number 4 slot si KZ ng Singer 2018 at marami ang naniniwala na malakas ang magiging laban niya sa finals.
Samantala, tuloy na tuloy na ang “Divas Live 2 At The Big Dome” nina KZ, Angeline Quinto, Kyla at Yeng Constantino ngayong November. Promise ni KZ, kahit na magkaroon siya ng career sa China at iba pang bahagi ng Asia, sisiguruhin niyang present siya sa napakaling concert event na ito.
Ang pagbabalik sa Araneta Coliseum ng “Divas Live” ay dahil na rin sa strong public demand na natatanggap ng Cornerstone Concerts. At ang pangako nina KZ, Angeline, Kyla at Yeng, this time it’s going to be bigger, strongler and more explosive!
Speaking of “Divas Live”, mariin namang pinabulaanan ng apat na prime talents ng Cornerstone na may inggitan sa kanila. Sey nina Kyla, Angeline at Yeng super proud sila sa success ni KZ sa Singer 2018 at talagang ipinagdarasal nila na mag-champion ang dalaga sa finals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.