Ethel 'kabit' daw: Hindi ko ginusto na magka-boyfriend ng may asawa! | Bandera

Ethel ‘kabit’ daw: Hindi ko ginusto na magka-boyfriend ng may asawa!

|March 05,2018
facebook
share this

Ethel ‘kabit’ daw: Hindi ko ginusto na magka-boyfriend ng may asawa!

- March 05, 2018 - 05:07 PM


INAMIN ni Ethel Booba na may asawa ang bago niyang boyfriend.

Sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice, ipinakilala ni Ethel ang boyfriend niyang si Jessy na isang chef. Nakilala raw niya ito habang nagbabakasyon sa Boracay.

“Naa-attract ako sa kanya. Nagulat ako kung ano ang trabaho niya, kasi nu’ng nakita ko siya, naka-tsinelas, naka-shorts. Chef pala siya sa Bora,” kuwento ng komedyana.

Ayon naman kay Jessy, nagustuhan niya ang pagiging sincere ni Ethel, “At first, siyempre, na-excite ako nang nakita ko siya in person. Kasi party-party, I was drinking with friends. Then, suddenly, bigla siyang dumating. Na-starstruck, parang ganun. Ang ganda niya, e!”

“Actually, nu’ng pumunta na ako ng Maynila, nag-resign siya agad,” sey naman ni Ethel. Singit ni Jessy, “Siguro para mag-open ng restaurant nearby para hindi na malayo. Kasi parang nahirapan siya (mag-biyahe.)”

Sinabihan naman ni Vice si Jessie na alagaan ang kanyang BFF, “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na si Ethel Booba, ang dami na niyang pinagdaanan, she’s so fragile. Sa dami ng pinagdaanan ni Ethel, ang dami na niyang lamat. Kapag nagkamali ka pa, baka tuluyan na siyang mabasag. Kaya iingatan mo siya.”

Sey naman ni Jessy, “Nag-usap naman kami last time, kung saan tayo nagsimula, doon lang tayo magsisimula. Kung ano yung past, huwag nang…mas mahirap kasi (ang mabuhay sa nakaraan).”

Sa tanong kung si Jessy na ba talaga ang kanyang “forever”, naiyak si Ethel habang nagsasalita. “I think, oo. Ganito yung character ko, walwal talaga. Palaban tapos hindi naman ako masamang tao. Pero meron akong pinagdadasal na sana, sana tayo na.”

Inamin din niyang may asawa si Jessy at nabu-bully siya dahil dito kasabay ng pagtawag sa kanya ng “kabit.” Chika ni Ethel, “Kasi ayokong tawagin na kabit, hindi ko naman kasi ginusto na magkaroon ng boyfriend na may asawa. Nagkataon lang.”

Ten years na raw hiwalay si Jessy sa asawa nito pero hindi legally separated.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending