Mga senador tutol sa 60-araw na pagsasara ng Boracay | Bandera

Mga senador tutol sa 60-araw na pagsasara ng Boracay

- March 04, 2018 - 04:29 PM

HIHILINGIN ng mga senador kay Pangulong Duterte na hindi ituloy ang planong pagpapasara ng Boracay island, sabi ni Sen. Cynthia Villar.
Sinabi ni Villar na ang mga lumalabag na mga establisyemento lamang ang dapat ipasara at hindi ang mga sumusunod ng maayos.

“Ang amin pong napagkasunduan ng mga senador ay irequest kay Presidente na huwag naman mag total closure. I-close na lang yung mga non-complaint at yung mga compliant ay pabayaan magpatuloy,” sabi ni Villar, head ng Senate environment committee, sa panayam ng dzBb.

Idinagdag ni Villar na mapipilitan ang mga hindi sumusunod na mga negosyante na sumunod sa batas.

Ayon pa kay Villar, itutuloy ang pagpapasara sa mga negosyante hanggat hindi sumusunod ang mga ito.

“The local government has not been able to implement the national solid waste management law, na hindi lahat ng basura itinatapon sa landfill – nirerecycle yung pwedeng irecycle at yung residual waste lang yung itatapon sa landfill,” sabi ni Villar.

Noong Biyernes, pumunta si Villar at apat na iba pang senador para isagawa ang pagdinig sa Boracay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending